top of page

Sumipot sa Gilas si Sotto, Padrigao, Bomalabs sa UAAP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 24, 2023
  • 2 min read

ni VA @Sports | July 24, 2023



ree

Nasagot ang mga katanungan at nabura ang mga pagdududa hinggil sa mga naunang commitment ni Kai Sotto na katawanin ang ating bansa at bandila partikular sa darating na FIBA Asia World Cup.

Nagpakita ang 7-foot-3 center sa Moro Lorenzo gym sa ensayo ng Gilas Pilipinas.


Kaugnay nito, may isinasaayos na palang deal ang Samahang Basketbol ng Pilipinas para kay Sotto upang maglaro ito sa FIBA World Cup 2023.


Gayunman, wala pang kasiguruhan kung kailan sasama si Sotto sa ensayo ng Gilas dahil kailangan pa nito ng clearance mula sa doktor upang makalaro. "The doctor hasn't cleared him to play yet," ayon sa kampo ni Sotto.Kaya naman hindi pa tiyak kung makakasama siya ng Gilas sa pagsabak nito sa isang pocket tournament sa China na magsisimula sa ikalawang araw ng Agosto para pav rin sa ginagawa nilang paghahanda sa World Cup.


Samantala, hindi makakalaro para sa title retention bid ng Ateneo de Manila University ang kanilang lead point guard na si Forthsky Padrigao sa darating na UAAP Season 86. Ang incoming junior ay hindi maaaring maglaro para men's basketball team ng Blue Eagles makaraang itong ipailalim sa “academic probation.” Bagamat pumasa ito sa UAAP standards for student-athletes ng unibersidad, bigo naman ang 21-anyos na si Padrigao na maabot ang itinakdang quality point index (QPI) para sa mga sophomores sa Ateneo.


Base sa panuntunan ng Ateneo, ang mga estudyanteng nasa ilalim ng "academic probation" ay hindi pinahihintulutang lumahok sa anumang extra-curricular activities, kabilang na ang paglahok sa anumang organisasyon at varsity teams upang makapag-focus ang mga ito sa kanilang pag-aaral. Sa pagkawala ni Padrigao, aasa ang Ateneo kina Ian Espinosa at Jared Brown.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page