Sumayaw sa tuwa, pahiwatig ng ligaya at magandang kapalaran
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 25, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Loreta ng Makati City.
Dear Maestra,
Single pa rin ako at nagbabalak nang magpakasal dahil sawa na ako sa buhay ko ngayon. Gusto ko nang magkaroon ng asawang mamahalin at mga anak na magbibigay sa akin ng saya sa pang-araw-araw kong pamumuhay.
Napanaginipan ko last night na ang ganda-ganda ng suot kong necklace. Dahil sa tuwa ko, nagpatugtog ako ng music at nagsayaw nang nagsayaw. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Loreta
Sa iyo, Loreta,
Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na may suot kang magandang kuwintas. Ito ay nagpapahiwatig ng mabilisang pagpapakasal sa lalaking mayaman at mataas ang katungkulan sa pinapasukan niyang kumpanya. Magiging maligaya ka rin sa nalalapit mong pag-aasawa.
‘Yun namang nagpatugtog ka ng music at nagsasayaw, kaligayahan din ang ipinahihiwatig nito at magandang kapalaran. Susuwertehin at pagpapalain ka.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments