Sumama sa tigil-pasada... 78-anyos, inatake sa puso

by Mervin Reyes @News | October 1, 2026

Photo: PISTON / FB
Inatake sa puso ang 78-anyos na dating jeepney driver at miyembro ng PISTON na si Elmer Cordero habang nakikilahok sa transport strike sa Monumento, Caloocan City nitong Martes.
Nasa strike center si Cordero nang bigla siyang mahirapang huminga at isinugod sa Caloocan City Medical Center, kung saan nananatiling hindi stable ang kanyang kondisyon.
Ayon kay PISTON-NCR Secretary General Janette Gabatin, wala umanong reklamo si Cordero bago ang insidente. Mayroon din siyang hika at pananakit ng likod.
Halos 50 taon namasada bilang jeepney driver si Cordero at nanatiling aktibo sa PISTON.
Nanawagan ang grupo ng tulong-pinansyal para sa kanyang gastusin sa ospital.





Comments