top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Suko na sa night shift… Bebot, ngayong taon susuwertehin sa trabaho

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 28, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | October 28, 2023


Dear Maestro,

Sa ngayon ay wala akong trabaho, nag-resign ako sa dati kong trabaho dahil puro panggabi ang duty ko ru’n kaya sumuko ako.

Maestro, kailan kaya ulit ako magkakaroon ng regular na trabaho, ‘yun bang hindi panggabi ang duty ko? At hanggang ngayon ay wala rin akong boyfriend, kaya nais kong malaman kung kailan kaya ako magkaka-boyfriend?

Anu-ano ang aking masuwerteng kulay at panahon nang sa gayun ay magkatrabaho na ako ng regular at magkaroon ng boyfriend? Ang birthday ko ay July 2, 1997.


Umaasa,

Pearl ng Ugong, Valenzuela City


Dear Pearl,


Ayon sa birth date mong 2 sa zodiac sign na Cancer. Ikaw ay mapalad sa kulay berde, dilaw at itim, higit lalo tuwing sasapit ang petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 4, 13, 22, 31, 1, 10, 19 at 28.


Kusa namang iigting ang mabuting kapalaran mo pagdating sa career at pag-ibig mula sa ika-19 ng Hunyo hanggang sa ika-29 ng Agosto, mula sa ika-19 ng Oktubre hanggang sa ika-20 ng Nobyembre at mula sa ika-19 ng Disyembre hanggang sa ika-20 ng Marso.


Samantala, ayon sa iyong Career Calendar, basta patuloy ka lang mag-apply nang mag-apply at mas mainam din kung makahanap ka ng “backer” na makakatulong sa iyo, na nagtataglay ng strong number na 1, 10, 19, 28, 8, 17, 26, 9, 18, at 27, higit lalo silang may zodiac sign na Scorpio, Capricorn, Virgo, Taurus o Cancer, tiyak ang magaganap sa taon ding ito ng 2023 bago sumapit ang pasko, sa edad mong 26 pataas, muli kang makakatagpo ng isang regular at magandang trabaho na nababagay para sa iyo. Ang kumpayang swak sa iyo ay ‘yung may berde at dilaw na kulay sa logo.


Habang, ayon sa iyong Love Calendar, sa taong 2024, sa edad mong 27 pataas, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Scorpio ang darating para sa iyo, siya ang una at huling magiging boyfriend mo. Ang nasabing relasyon ay tiyak na hahantong sa pagtatayo ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page