top of page

Suarez abangers sa rematch vs. Vaquero sa Jr. Lightweaight 

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 12 hours ago
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports | September 2, 2025



Suarez

Photo FIle


Makalipas ang mahigit tatlong buwan, nanatiling matyagang naghihintay ang kampo ni Olympian boxer at unbeaten Filipino challenger Charly “The Kings Warrior” Suarez sa susunod na hakbang na ilalatag ng Top Rank patungkol sa rematch kontra Mexican champion Emanuel “El Vaquero” Navarrete kasunod na rin ng kautusan ng World Boxing Organization (WBO).


Matapos mapagpasyahan ng California State Athletic Commission (CSAC) na desisyunang “No Contest” ang junior-lightweight title sa pagitan nila ni Navarette noong Mayo 10 sa Pechanga Arena sa San Diego, California, kasunod ng kontrobersyal na unang pataw na technical decision matapos magtamo ng cut ang Mexican boxer dulot umano ng accidental headbutt ay ipinatigil ni referee Edward Collantes ang laban.


Subalit makaraan ang malalim na pagsusuri ay hindi naging malinaw ang hatol na ibinase sa iskor ng mga huradong sina Lou Morett at Fernando Villareal na 77-76 at Pat Russell sa 78-75, na pare-parehong pumabor kay Navarette, kung saan tumama ang suntok ni Suarez sa ulo ni Navarette na naging sanhi ng pagdugo, kaya’t napagdesisyunang baguhin ang hatol noong Hunyo 2 ng CSAC.


Inaantay na lang namin ang notice ng laban for rematch,” pahayag ni head trainer at manager Delfin Boholst sa mensahe nito sa Bulgar Sports kahapon. “Waiting sa announcement baka mga November.”

 

Tinatapos na lang ni Charly, 37-anyos ang duty niya. Dun kami magtuloy-tuloy ng preparation for Navarette,” saad ni Boholst.


Nananatiling No.1 ranked si Suarez na may 18-0 win-loss record kasama ang 10 panalo mula sa KOs. Gayunman, hindi man pabor sa desisyon ng CSAC, hangad ni Boholst na maganap ang rematch upang makaiwas na hindi umakyat ng dibisyon si Vaquero. 


Dapat hindi muna, tapusin muna ang laban bago umakyat. Pero kung ayaw nila wala kami magagawa. Kung sino ang ibigay ng Top Rank kay Charly go kami lagi ni Charly hindi na bata si Charly para mamili ng maging kalaban.”     

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page