Strong Group binawian ang Chinese-Taipei sa Jones Cup
- BULGAR

- 6 hours ago
- 1 min read
ni Anthony Servinio @Sports | August 17, 2026

Photo: Ang maaksiyong bakbakan ng SGA laban sa Taiwan. (SGApix)
Laro ngayong Martes - Xinzhuang 3:00 PM SGA vs. Japan
Umarangkada sa ikalawang sunod na panalo ang defending champion Strong Group Athletics laban sa host Chinese-Taipei Blue, 97-78, sa pagpapatuloy ng ika-45 William Jones Cup sa Xinzhuang Gym.
Subalit maituturing na bitin ang resulta. Nagtulungan sa pagbuhat ng koponan sina Isaiah Pineiro at Tajuan Agee na parehong may 19 puntos. Humugot din ng malaking tulong kay DJ Fenner na may 15 at gumana sa wakas ang laro nina Boban Marjanovic na may 14 at 10 rebound at Remy Martin na may 13.
Nanguna sa host si Kuo Chun-Yen na may 14. Nag-ambag sina Chou Kuei-Yu at Jonah Morrison ng tig-12. Umangat sa 2-1 ang Filipino club at bumaba sa 1-2 ang Taiwanese.
Ayon sa nakakagulat na patakaran ng torneo, kahit anong mangyari ay tutuloy ang Taiwan sa semifinals kaya alanganin ang SGA pangalawa sa lang sila sa walang-talo Wonju DB Promy ng Timog Korea (3-0) sa Grupo A.
Magpapahinga ang torneo sa Lunes at magbabalik para sa pangalawang yugto ng elimination sa Martes kung saan haharapin muli ng SGA ang kulelat Japan (0-3) na dinaig nila noong Sabado, 78-72. Sa Grupo B, malinis pa rin sa 3-0 ang University of California-Irvine.
Pangalawa ang Chinese-Taipei White (2-1) at sinusundan ng Malaysia (1-2) at Jordan (0-3).





Comments