top of page

Strike 2! PIOLO, BEST ACTOR ULI SA BOX OFFICE ENTERTAINMENT AWARDS PARA SA MALLARI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 14, 2024
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 14, 2024



Showbiz Photo
File photo: Mallari

Napanood namin ang pelikulang Mallari nu'ng mismong Christmas Day last year kaya masasabi naming well deserve si Piolo Pascual sa Best Actor award niya para sa pelikula sa katatapos lang na Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF), Inc. na ginanap last Sunday. 


Isa ang Mallari na first-ever Filipino film na distributed ng Warner Bros. Pictures sa mga official entries sa 2023 Metro Manila Film Festival, kung saan gumanap si Piolo sa tatlong karakter sa magkakaibang panahon at henerasyon.


Ito na ang second Best Actor award ni Papa P. para sa naturang pelikula kasunod ng pagtanggap niya ng kaparehong parangal sa Manila International Film Festival nu'ng January 2024 na ginanap sa Hollywood, USA. 


Kasama ni Piolo na pumunta at tumanggap ng award that time ang Mentorque producer na si John Bryan Diamante a.k.a. Bryan Dy, executive producer Rona Banaag, Clever Minds co-owner and supervising producer Omar Sortijas, Director Derick Cabrido, at ang mga co-stars niya sa movie na sina Janella Salvador at Ron Angeles.


At dahil sa impact na ginawa ng Mallari hanggang sa ibang bansa, nagbukas ito ng mga bagong opportunities for collaboration, tulad na lang ng pinaplanong pagsasama ng Mentorque Productions at Project 8 Projects nina Director Dan Villegas at Antoinette Jadaone para sa 2024 Cinemalaya Film Festival this August. 


Kamakailan lang ay in-announce ni Bryan Dy sa kanyang FB account na natapos na ang shooting ng Kono Basho sa Japan, featuring an image of two women adorned in black kimonos. 


"A Mentorque Productions and Project 8 Projects collaboration. TWO WORLDS COLLIDE IN FILIPINO FILM SET IN JAPAN, KONO BASHO, STARRING GABBY PADILLA AND ARISA NAKANO! (emojis Philippine and Japan's flag). At the helm is visual artist JAIME PACENA in his directorial debut KONO BASHO, an entry to this year's Cinemalaya Film Festival," aniya sa FB post.  


Samantala, mukhang magkakaroon din ng collab ang Mentorque Productions sa ANGKAS dahil nakita kamakailan na kasama ni Sir Bryan Dy ang ANGKAS president na si George Royeca at ang mga director na sina Dolly Dulu at Ivan Andrew Payawal.


Meron ding post si Sir Bryan with TEN17P producer director Paul Soriano kasama ang misis nitong si Toni Gonzaga-Soriano at ang mag-asawang Mikee Morada at Alex Gonzaga na mga owners ng TinCan Productions, kaya baka may niluluto rin silang project.


At ilang buwan pa bago ang MMFF 2024, naka-focus na ngayon si Sir Bryan sa kanyang entry sa 50th Metro Manila Film Festival, ang fantasy-drama na Biringan


Na-inspire talaga si Sir Bryan na gumawa ng maraming pelikula dahil sa 14 out of 18 nominations na nakuha ng Mallari sa upcoming FAMAS Awards night on May 26, 7 PM, at the Fiesta Pavilion of the Manila Hotel.


Kabilang sa mga nominasyon ang Best Actor (Piolo Pascual), Best Picture (Mentorque Productions/Clever Minds), Best Director (Derick Cabrido), Best Screenplay (Enrico C. Santos), Best Cinematography (Pao Orendain), Best Child Actor (Kian Co), Best Supporting Actress (Gloria Diaz), Best Supporting Actor (JC Santos), Best Editing (Noah Tonga), Best Sound (Immanuel Verona and Nerikka Salim), Best Production Design (Marielle Hizon), Best Visual Effects (Gaspar Mangarin), Best Theme Song (Pag-ibig na Sumpa by JK Labajo), and Best Musical Score (Von De Guzman). 


To backtrack, Mallari previously bagged Best Supporting Actor, Best Musical Score, Best Visual Effects, and Third Best Picture at the Metro Manila Film Festival 2023 Gabi ng Parangal. 


At eto pa… sa June 21, mapapanood na rin ang Mallari sa Netflix!


'Yun na!!!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page