top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Stay safe palagi ngayong Pasko at Bagong Taon!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 19, 2020
1 min read

@Editorial | December 20, 2020



Nagpaalala ang awtoridad na bawal ang lahat ng uri ng public fireworks display at tanging community fireworks displays lang na pangungunahan ng local government units (LGUs) ang pinapayagang gamitin.


Istriktong ipatutupad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagbabawal sa pagpapaputok ngayong Kapasukuhan at sa Bagong Taon.


Kaugnay nito’y inatasan ang PNP na kumpiskahin ang mga ilegal na paputok at arestuhin ang mga pasaway na mahuhulihan nito.


Kabilang sa mga ilegal na paputok ay ang piccolo, watusi, giant whistle bomb, giant bawang, large Judas belt, super lolo, lolo thunder, atomic bomb, atomic bomb triangulo, pillbox, boga, kwiton, goodbye Earth, goodbye bading, hello Columbia at goodbye Philippines.


Samantala, magsagawa rin ng inspeksiyon sa “manufacturing complex, warehouse, at processing area” ng mga gumagawa at dealers ng paputok.


Karapatan nating ipagpasalamat na sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari ngayong 2020 ay umabot tayo sa punto na sasalubungin natin ang panibagong taon.


Pero isipin natin na ang selebrasyon ay puwedeng maging masaya at makabuluhan nang hindi inilalagay sa alanganin ang kalusugan at kaligtasan.


Muli, hindi tayo pinagbabawalang mag-celebrate, basta stay safe lang tayo palagi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page