State of calamity extension, inirekomenda ni P-BBM – DOH
ni Lolet Abania | September 7, 2022

Ipinahayag ng Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules na “inirerekomenda” na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na i-extend ang state of calamity sa bansa hanggang sa katapusan ng taon dahil pa rin ito sa COVID-19.
Ang state of calamity, na nakatakdang mapaso o mag-lapse sa Setyembre 12, ay pinapayagan ang mga lokal na gobyerno na magpatupad ng COVID-19 vaccination program, magkaroon ng quick response funds para mapigilan ang COVID-19, at makontrol ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Una nang sinabi ng DOH na ang emergency procurement ng gobyerno, ang tax exemptions para sa mga donors, ang price controls para sa mga COVID-19 drugs at testing kits, at ang mga benepisyo ng mga health workers ay matitigil din kapag ang state of calamity ay nagtapos na.
Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na kinokonsidera ni Pangulong Marcos ang mga pagbabago o amendments sa COVID-19 Vaccination Act of 2021 bilang isang “cover” kapag nagtapos na ang state of calamity, kahit pa ang mga ito ay maaaring hindi magagawa sa ibinigay na time frame.
“We cannot have this one month para magawa natin ‘yon. So sabi niya, he recommends na siguro i-extend na lang [ang state of calamity] hanggang matapos ang taon,” pahayag ni Vergeire sa isang press briefing ngayong Miyerkules.
Ayon kay Vergeire, inirekomenda na rin ng DOH ang state of calamity extension sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na siyang gumagawa ng mga suhestiyon sa Pangulo.
“We recommended and a full council meeting was held last Monday where we already resolved that the recommendations will be submitted already to the President,” saad pa ng kalihim.





Comments