Star City magbubukas na sa Feb. 24

ni Jasmin Joy Evangelista | February 13, 2022

Matapos i-postpone ang reopening dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19, inanunsiyo ng management ng Star City na magbubukas na ito sa February 24.
“Ginalaw na ang baso. Kulayan na natin ang Pebrero!” ayon sa pahayag sa Facebook page nito.
“Ang comeback na hinihintay ng lahat! Star City this February 24!”
Ang Star City, na matatagpuan sa Pasay City, ay bukas mula Huwebes hanggang Linggo, mula 12:00 ng tanghali hanggang 8 p.m.
Maaaring bumili ng passes sa kanilang website o sa mga Star City ticket booths.
Matatandaang nagsara ang parke noong 2019 dahil sa malaking sunog na tumupok dito.





Comments