Stags, balik sa Final 4, Knights, giniba sa Elims
ni GA - @Sports | July 11, 2022

Muling makakabalik sa Final Four ang San Sebastian College-Recoletos Lady Stags ng matakasan ang mapanginig na laglag ng Colegio de San Juan de Letran Lady Knights sa iskor na 25-15, 25-22, 27-25 sa huling linggo ng elimination round sa 97th NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa Paco Arena sa Maynila.
Kapit-kamay ang beterano at super rookie na sina Reyann Canete at Katherine Santos na kumana ng parehong 15 puntos mula sa 15 atake at 7 digs at 12 atake, ayon sa pagkakasunod, habang nag-ambag ng 9 puntos si Kristine Dionisio at tig-double-double nina Alexia Vea Sison at Jewelle Bermillo. Lumikha si Sison ng 20 excellent sets at 11 excellent digs, habang rumehistro si Bermillo ng 22 excellent digs at 12 excellent receptions.
“Yung lakas ng loob [nakukuha] sa pag-training hard tapos tuloy-tuloy lang yung almost 1-month training namin,” wika ni Canete patungkol sa panibagong tapang at tibay ng dibdib na nakuha matapos ang 5-setter na pagkatalo sa Lyceum University Lady Pirates noong nagdaang Huwebes. “Basta yung kinukuha po namin na makapasok ng championship,” dagdag ng beteranong spiker na nais raw nilang iregalo kay coach Roger Gurayeb.
Maagang kumana ng atake ang San Sebastian bumanat ito ng 17 atake sa first set habang nilimitahan lang sa anim na puntos ang Lady Knights. Subalit pagtuntong ng second set ay nakakuha ng karagdagang lakas ang Intramuros-based squad, ngunit hindi pa rin napigilan ang pagbabawas ng errors sa second set upang patuloy na yumuko sa 25-22.





Comments