Search
  • BULGAR

SSS, sagot ang mga miyembrong nawalan ng trabaho

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | August 26, 2020




Hello, Bulgarians! Inanunsiyo ng Social Security System (SSS) na umabot sa Php391.28-M ng unemployment benefits ang naipamahagi nito sa panahon ng COVID-19 pandemic.


Ang pinakamataas na reimbursement ay nagmula sa Luzon sa Php143.60-M, sumunod ang National Capital Region (Php102.71-M), Mindanao (P86.43-M) at Visayas (Php58.54-M).


Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio na nasa 29,413 unemployment benefit application ang naaprubahan mula March 17 hanggang August 11, 2020. Naipamahagi nila ang cash benefit na may average na Php13, 303.


“Ito ay para masuportahan ang mga miyembrong nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya. Patuloy na tatanggap ng online application ang SSS para agad na maibigay ang pangangailangan ng mga ito. Inaanyayahan din namin ang lahat na gumawa ng My.SSS account sa SSS website para sa kanilang application,” dagdag ni Ignacio.


Kinakailangan din na mag-register ng bank accounts ang mga miyembro sa My.SSS para sa mas madaling pagkuha ng mga benepisyo.


Para naman makapagpasa ng unemployment benefit application, mag-log in lamang sa My.SSS account at i-click ang “apply for the unemployment benefit claim” sa ilalim ng E-service tab. Sagutan ang lahat ng requirement at basahin mabuti ang certification bago ito i-submit.


Kinakailangan din na ang miyembro ay may edad 60 pababa at nakapagbayad ng contribution sa loob ng 36 buwan kung saan ang 12 buwan dito ay nabayaran sa loob ng 18 buwan.


Para sa iba pang katanungan, maaaring tumawag ang mga miyembro sa kanilang SSS hotline 1455 o i-follow ang kanilang official Facebook Page na Philippine Social Security System; Instagram Account na @Mysssph at Twitter @PHLSSS.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.