‘Squid Game’ ng Netflix, wawakasan na sa 2025
- BULGAR
- Aug 1, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel @Entertainment News | August 1, 2024

Inanunsiyo ng Netflix ngayong Huwebes na ang Season 2 ng famous series na ‘Squid Game’ ay magsisimula sa Disyembre 26, 2024, at huling season na nito ang ilalabas sa 2025.
“I am thrilled to see the seed that was planted in creating a new 'Squid Game’ grow and bear fruit through the end of this story,” pahayag ni Hwang Dong Hyuk, ang executive producer, writer, at director ng series.
Ayon sa pahayag mula sa Netflix, magaganap ang Season 2 tatlong taon pagkatapos ng mga pangyayari sa 'Squid Game.'
Babalik sina Lee Jung Jae, Lee Byung Hun, Wi Ha Jun, at Gong Yoo sa kanilang mga papel mula sa Season 1, kasama ang kahanga-hangang listahan ng mga bagong cast na kinabibilangan nina Yim Si Wan, Kang Ha Neul, Park Gyu Young, Lee Jin Uk, Park Sung Hoon, Yang Dong Geun, Kang Ae Sim, Lee David, Choi Seung Hyun, Roh Jae Won, Jo Yu Ri, at Won Ji An, na magdadala ng mga mahalagang pagganap sa bagong season.
Ang “Squid Game” ay isang Korean series na nakakuha ng nakakamanghang 1.65 bilyong viewing hours sa loob ng 28 araw matapos ang premiere nito noong Setyembre 17, 2021, na katumbas ng higit sa 182,000 taon.” “Anino,” “Classic,” at isang stripped version ng “Room.”




Comments