Speed Hitters vs. Thais abangan sa PVL Inv'tl
- BULGAR

- 18 minutes ago
- 1 min read
by Gerard Arce @Sports News | August 26, 2026

Photo: Premier Volleyball League
Mga laro sa Lunes (Agosto 31)
(Smart Araneta Coliseum)
1:30 pm – EST Cola vs PLDT
4:00 pm – NXLed vs Creamline
6:30 pm – Ho Chi Minh City vs Farm Fresh
Malinaw na koneksyon ang hanap ng PLDT High Speed Hitters upang madepensahan ang korona ng Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference kontra sa 3 local teams at dalawang foreign squad sa pagsisimula ng mga aksyon sa Lunes, Agosto 31 sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Agad mapapasabak sa mabigat na responsibilidad ang PLDT laban sa Thailand team na EST Cola, na nagbabalik sa liga matapos masilayan noong 2024 edisyon sa pagtatapos sa 4th place, na mas determinadong mas mabigyan ng magandang laban ang defending champions na patuloy na pangungunahan ni Filipino-Canadian Savi Davison katuwang sina Kim Kianna Dy, Majoy Baron, Dell Palomata, Mika Reyes, Kath Arado at ace playmaker Kim Fajardo.
Magsisimula ang paluan ng 1:30 pm., tangan ng PLDT ang pagkakataong mapanatiling hawak ang korona matapos pataubin ang Japanese squad na Kobe Shinwa University noong 2025, na mayroong siksik na iskedyul upang masukat ang husay at taktika, gayundin ang katatagan at lalim ng bawat koponan na makapag-adjust ng mabilis sa liga. Magkakasubukan sa ikalawang laro ang mga powerhouse squad na NXLed Chameleons at 11-time league champions na Creamline Cool Smashers.





Comments