Sopla sa Sandiganbayan.. Marcos wealth, ‘di ibabalik

ni BRT | February 2, 2023

Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan ang hiling nina dating First Lady Imelda Marcos at kanyang anak na si Irene Araneta na maibalik na sa kanila ang ilang assets na kasama sa civil suit ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na ibinasura ng una noong 2019.
Ayon sa mag-inang Marcos, dahil nabasura na ang kaso, dapat umanong ituring nang hindi ill-gotten wealth at ibalik na sa kanila ang mga assets. Kabilang ang TV stations, properties, ilang bank accounts, kumpanya at iba pang ari-arian.
Gayunman, ayon sa Sandiganbayan, walang merito ang petisyon ng mag-inang Marcos.
Sa 40-pahinang resolusyon ng Sandiganbayan 3rd Division, nakasaad na maituturing na hindi pa pinal ang desisyon ng Sandiganbayan dahil inaapela pa ng PCGG ang desisyon sa Supreme Court (SC).
“The Court dismissed the Third Amended Complaint with respect to the properties that ‘have already been recovered by the government or transferred to third persons not involved herein’, or those which have been the subject of court decisions and compromise agreements as the same were barred by res judicata … [based on] conclusiveness of judgment and mootness. Thus, the Court can no longer rule on the said properties,” ayon sa Sandiganbayan.





Comments