Solohin na lang daw, ‘wag na silang idamay… MARIEL, HUMIRIT NA PROTEKTAHAN SI SEN. ROBIN, TINAWAG NA SIRAULO
- BULGAR

- 5 days ago
- 2 min read
ni KyleShereen Bago (OJT) @Special Article | July 18, 2026

Photo: IG _marieltpadilla
Sa halip na suporta, kaliwa't kanang batikos ang inani ni Mariel Padilla matapos niyang ibahagi sa kanyang Facebook account ang isang larawan na may nakasulat na "PROTECT SENATOR PADILLA MOVEMENT" nitong Huwebes, Hulyo 16.
Hindi ito nagustuhan ng maraming netizens na agad nagtanong kung bakit kinakailangang protektahan ang kanyang asawang si Senador Robin Padilla.
Marami ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya at bumaha ng mapanuring komento sa naturang post.
Kabilang sa mga naging komento ang…
"Solohin mo na lang, Mariel. Huwag mo na kaming idamay.”
"Hoi... Hahahahaha! Ano nangyari sa ‘yo, dzai?"
"Mariel, anong kab*b*han na naman ito?"
"Sira*lo din ito, nahawahan na."
"Mga baliw!”
May ilan ding nagsabing wala silang nakikitang dahilan para magkaroon ng ganitong panawagan lalo na't kamakailan lamang ay sunud-sunod na umani ng batikos si Sen. Robin dahil sa ilan sa kanyang mga naging pahayag at kilos bilang senador.
Matatandaang naging laman ng usapan sa social media si Robin nitong mga nagdaang araw matapos kuwestiyunin ng ilang netizens ang kanyang mga naging komento at pagganap sa Senado.
Pinuna rin siya ng aktres na si Angel Locsin sa pag-amin niyang komunista siya.
Sa kabila ng matinding batikos, wala pang inilalabas na pahayag sina Mariel at Senador Robin kaugnay sa mga negatibong reaksiyon na kanilang natanggap mula sa social media.
Buking ng mga fans, atras na…
IVANA, NAMIMIGAY KUNO NG IPHONE 17, NAGPO-PROMOTE PALA NG SUGAL

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang viral giveaway ni Ivana Alawi matapos mapansin ng mga netizens na ang kanyang pamimigay umano ng 100 pieces ng iPhone 17 ay may kaugnayan pala sa promosyon ng online gambling platform na Casino Plus.
Matatandaang nag-trending nitong Huwebes ang post ng aktres at vlogger kung saan ibinahagi niyang bumili siya ng 100 iPhone na maaaring mapanalunan ng mga netizens.
Upang makasali, kailangan lamang umanong mag-like, share, at ikomento ang paboritong kulay ng iPhone.
Gayunman, napansin ng ilang netizens ang isang link na nakapaskil sa comment section ng naturang post.
Ayon sa kanila, ang link ay patungo umano sa Casino Plus, at hinihikayat pa raw ng aktres ang kanyang mga followers na sundan ang nasabing online gambling company.
Dahil dito, bumuhos ang batikos at pangamba mula sa ilang netizens na nagsabing tila ginagamit umano ang malaking giveaway upang makahikayat ng mas maraming tao na pumasok sa online gambling.Narito ang ilan sa kanilang mga komento…
“Matagal nang promoter ‘yan ng sugal.”
“Napaurong na lang din ako sa pakiki-join, eh.”
Ilan sa mga netizens ang nagsabing hindi na sila nagulat sa pagkakaugnay ni Ivana sa naturang kumpanya dahil ilang beses na rin siyang nakita sa mga advertisements at commercial ng Casino Plus.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag si Ivana Alawi kaugnay sa isyung ibinabato sa kanya online.





Comments