top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Social distancing, iba pang health protocols nalabag nitong Pasko, anyare?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 26, 2020
1 min read

@Editorial | December 26, 2020



Sa kabila ng maya’t mayang paalala na mag-ingat at umiwas muna sa anumang pagkakataon na maaaring kumalat ang COVID-19, may mga hindi pa rin nagpatinag at tuloy ang party at gala nitong Pasko.


Kapansin-kapansing may mga nagdaos pa rin ng Christmas party kung saan nalabag ang social distancing at iba pang health protocols laban sa COVID-19. Pa-morningang tagayan sa iisang baso, walang face mask, walang pakialam kung sino ang katabi, basta happy, bahala na kung ma-virus.


Kinabukasan, may ilan din binalewala ang utos na bawal muna magbahay-bahay ang mga inaanak. Sa totoo lang, isa ito sa mga tradisyon ng Kapaskuhan na sadyang nakakalungkot ‘pag hindi nagawa lalo na kung makikita mo kung gaano kasabik ang anak na gumising nang maaga ng Disyembre 25, magbibihis ng pamaskong damit at pupunta sa bahay ng mga ninong at ninang para mag-mano. Pero, alang-alang sa kanilang kaligtasan kaya rin pinakiusap ng mga awtoridad sa mga magulang na ipaliwanag sa mga bata kung bakit hindi muna puwedeng mamasko o magbahay-bahay.


Gayunman, may mga hindi pa rin talaga nagpaawat at ang masaklap, sila pa mismo ang nagkaray sa mga anak para maglibot, kahit bawal lumabas ng bahay. May ilang bata rin sa kalsada na hindi maayos ang pagkakasuot ng face mask at wala ring suot na face shield.


Masasabing malaking hamon talaga hindi lang sa mga awtoridad ang ganitong mga sitwasyon kundi sa bawat isa dahil sanay tayo sa mga selebrasyon.


Sadyang napakahirap mag-Pasko at Bagong Taon sa gitna ng pandemya, maraming pagbabago, kailangang magdoble-ingat at dapat kayanin alang-alang sa mas ligtas na pagsalubong sa 2021.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page