Sobrang mag-BFF daw sila… BEAUTY, PINAIINOM NG ALAK NG BIYENAN KAHIT BUNTIS
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | May 22, 2026

Photo: IG _beauty_gonzalez
Walang pinirmahang prenuptial agreement (prenup) ang magagandang aktres na sina Kris Bernal at Beauty Gonzalez sa kani-kanilang mga asawa, bagay na inamin nila sa kanilang pagge-guest sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Sa panayam ay napag-usapan ang tungkol sa relasyon nina Kris at Beauty sa kanilang mga in-laws.
Tanong ng King of Talk na si Boy Abunda kina Kris at Beauty, “How challenging is it to be married to people who come from wealth?”
Pabirong sey ni Beauty, “It’s not challenging to make gastos. Hahaha! Joke!”
Saad naman ni Kris, “Wala naman. Wala rin kasi, parang nu’ng bago rin naman ako mag-artista, may kaya naman din ‘yung family ko.”
Dagdag na tanong ni Boy kina Kris at Beauty, “Ito na lang ang tanong ko. Do you have boundaries with families? Halimbawa, ‘yung mga in-laws?”
Saad ni Kris, “Wala, eh. Very supportive talaga ‘yung mga in-laws ko rin. Walang problema.”
Sey naman ni Beauty, “‘Yung mom ni Norman, sobrang best friend kami, eh. Remember when I was pregnant? Sabi n’ya, ‘You can have one glass of wine.’ Sabi ko, ‘Mom, I’m pregnant.’ Sabi n’ya, ‘Look at Norman, he’s normal.’”
Hirit na tanong ni Boy kina Kris at Beauty, “Kayo ba’y naniniwala sa prenup?”
Sey ni Beauty, “Ako kasi, ‘yung mama ko, gusto n’ya ‘yun, eh. Pero kay Norman, para sa amin, kung ano’ng sa kanya, akin naman talaga lahat. So, wala naman kaming kumplikasyon.”
Dagdag na tanong ni Boy kina Kris at Beauty, “But did you sign one?”
Sey ni Beauty, “No, no, no. Ayaw n’yang (Norman) pumayag. Pero my mom, lagi n’ya akong inire-remind.”
Saad naman ni Kris, “Sa amin, wala rin kaming prenup ni Perry. Siguro, depende rin sa tao. Sa amin kasi, ‘yung personality namin ni Perry, very ano kasi kami, eh, maintindihin. ‘Yung parang alam na namin ‘yung isa’t isa. O kaya, parang dahil siguro sa pagmamahal namin sa isa’t isa, parang okay lang na mawalan ako, o okay lang na walang matira sa akin. ‘Yung ganu’n s’ya, eh. Ganu’n din ako sa kanya.”
Matatandaang ikinasal ang aktres na si Kris Bernal sa kanyang longtime partner at businessman na si Perry Choi noong Setyembre 25, 2021.
Samantala, si Beauty Gonzalez ay ikinasal noong Mayo, 2017 sa kanyang art curator at painter-boyfriend na si Norman Crisologo.
MULING binuksan ng Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbak runner-up na si Ian Manibale ang kanyang puso sa bagong single na Ganito Ba.
Tungkol ang R&B (Rhythm & Blues) track sa espesyal na koneksiyon sa isang tao sa hindi inaasahang panahon.
Dala nito ang emosyon ng pagkakaroon muli ng pag-asa na sumubok magmahal. Isinulat ito ni Kiko Salazar at ipinrodyus ni Gabriel Tagadtad sa ilalim ng DNA Music label ng ABS-CBN.
Unang nakilala si Ian na tubong Catanduanes nang maging runner-up ito sa Tawag ng Tanghalan (TNT) Season 5 noong 2021. Muli niyang nasungkit ang ikalawang puwesto nang magbalik siya sa Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbak Season 2.
Matapos ang TNT journey, naging ganap na recording artist si Ian at inilunsad ang debut single na Vicente Cruz na sinundan ng Laging Nasa Tabi Mo.
Nakasama niya rin ang Day One para sa Naubos Na at ang kapwa TNT alumna na si Jezza Quiogue para sa Hindi Na Mahal.
Kasalukuyang bahagi si Ian ng One Music Management.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments