top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sobrang luho ng mga taga-DND, gumastos ng P553-K para gawing de-aircon ang CR!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 28, 2020
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 28, 2020



SANA PALAGING PEACE ANG PROTESTA PARA HINDI NAGKAKASAKITAN ANG MGA PINOY SA KAPWA PINOY—Natapos ang idinaos na protesta sa compound ng UP (University of the Philippines) ng iba’t ibang sektor sa SONA (State of the Nation Address) nang walang naganap na gulo sa pagitan ng mga raliyista at mga pulis.


Sana, palaging ganyan na mapayapa ang mga protesta laban sa gobyerno para hindi nagkakasakitan ang Pinoy sa kapwa Pinoy, period!

◘◘◘


SABLAY ANG PAGTANGGAP NI MAGALONG NA MAGING IATF-CONTACT TRACER CZAR—Bumilib si P-Duterte sa paglaban ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa COVID-19 dahil nasawata nito ang paglaganap ng COVID-19 sa lungsod at dahil dito ay inalok niya ito na maging contact tracer czar ng Inter-Agency Task Force (IATF) na tinanggap naman ng alkalde.


Ito na ang siste, ilang araw lang matapos maging IATF-contact tracer czar si Magalong ay anim na barangay sa Baguio City ang ini-lockdown dahil may mga nagka-virus.


Sablay yata ang naging desisyon ni Magalong na tanggapin pagiging IATF-contact tracer czar ng national gov’t. kasi kung hindi niya ito tinanggap at nagpokus lang siya sa paglaban COVID-19 sa Baguio City ay wala na sanang tinamaan ng virus sa kanyang nasasakupan, period!


◘◘◘


P553-K DE-AIRCON NA CR NG DND, NABUKING—Nabisto ng Commission on Audit (COA) na umabot sa P553-K ang halaga ng mga ipinagawang de-aircon na comfort rooms sa tanggapan ng Department ot National Defense (DND).


Ganu’n? Pambihira naman ang mga taga-DND, ang luluho. Mantakin n’yo, gumastos sila ng daan-daang libo para lang gawing de-aircon ang kanilang mga kubeta, mga buwisit!


◘◘◘


DONASYONG P14.8-B PPEs NG AMERIKA SA PGH IBINIGAY, HINDI SA DOH—Nag-donate ang United States (US) ng mga PPEs na nagkakahalaga ng P14.8-M sa Philippine General Hospital (PGH) at sa kanila rin ipinamahala ang pamamahagi ng mga PPEs sa iba pang public hospitals.


Nakarating siguro sa Amerika ang mga kapalpakan ni Health Sec. Francisco Duque sa paglaban sa COVID-19 kaya imbes na sa DOH, idinerekta na ng US ang donasyong mga PPE's sa PGH, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page