top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sobrang inlab kay Gerald… HIRIT NI MARJORIE: JULIA, PINAKAMASAYA NGAYON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 12, 2021
  • 2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 12, 2021





“Happy birthday (with heart emoji) #youareablessing,” ang pagbati ni Gerald Anderson sa girlfriend na si Julia Barretto na nagdiwang ng 24th birthday last March 10.


Hindi na nga maitatago ang kasiyahang nararamdaman ng new lovers ngayong lantad na sa publiko ang kanilang relasyon, unlike noon na nagtatago sila o 'di kaya ay kina-crop ang isa kung magkasama man sila at saka ipo-post sa social media.


Kaso, kahit umamin na ngayon ang dalawa, panay pa rin ang kuda ng mga netizens sa kanila.


Ilan sa mga comments na nababasa namin sa socmed ay…


“Next year, you are toxic na.”


“'Coz it's a blessing from who?”


“I like them together. I truly hope na 'wag silang mag-ala-Derek-Ellen sa pag-post. Stay low key lang, love birds!”


“Low key pa ba 'yan? Araw-araw, may post. Well, anyway, it is their life and their account. Pero naman 'teh, they are not low key.”


“Blessing now, toxic later.”


Ang ibang netizens ay nae-entertain daw sa mga showbiz chismis ngayon kesa raw sa mga balitang-COVID na lalo pa yatang dumarami gayung may bakuna na.


Samantala, may ilang netizens ang 'di pa rin makalimutan ang pagde-deny noon nina Julia at Gerald sa kanilang relasyon.


“Lakas maka-deny nu'ng una, tapos sila rin pala in the end. Mas lalong naging nega...”


May mga nagbibigay naman ng payo sa aktor sa pagiging womanizer.


“Please lang, G, tumino ka na.”


Anyway, hindi naman nagpahuli ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto. Nag-post din siya ng birthday message para sa anak.


Ang siste, kung ano’ng igsi ng sinabi ni Gerald sa girlfriend, siya namang haba ng sa ina.


Mensahe nito sa anak, “I feel this peace in my heart as we celebrate your birthday today. I feel your happiness, Jul. The happiest I have seen you in years. And that is my answered prayer. For always and forever you have me, behind and beside you. Happy birthday to my daughter, my friend, my heart and my life. We love you so much (heart emoji)."


Komento naman ng ilan pang netizens…


“'Yan din ang sabi ni Dani, at her happiest daw si Julia. Bakit parang pilit na pilit 'yung happiest? Pero baka nga masaya si Julia. Happiest, lol!”


“Totoo. I have never seen Julia so happy. Nagra-radiate ang happiness sa mga posts niya. It's like she has never been this free. Way to go, Julia.”


“Sabi nga nila, mother knows best! Hahaha!”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page