top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Snow, pahiwatig ng kasaganaan at kaligayahan

BULGAR
Dec 3, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 3, 2022


Analisahin natin ang panaginip na pinadala ni Marissa ng Capiz.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na umulan ng snow sa lugar namin. Malapit sa tuktok ng bundok ang bahay namin. Parami nang parami ang patak ng snow hanggang naging snow storm na ito.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Marissa



Sa iyo, Marissa,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na umulan ng snow sa lugar n’yo ay prosperity and happiness, kung saan sasagana ang buhay mo at liligaya ka na.


Samantala, ang parami nang parami ang patak ng snow hanggang naging snow storm ay nagpapahiwatig na may mga sagabal sa binabalak mo, pero malalagpasan mo ito at magtatagumpay ka sa huli.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page