top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Smuggling ‘di matitigil, hangga’t may ‘buwaya’ sa Customs at DA

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 3, 2023
3 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | August 3, 2023


GEN. ACORDA, MAHINANG KLASENG CHIEF PNP? -- Sa pagdinig sa Senado ay tinanong ni Sen. Ronald dela Rosa si PNP Chief Gen. Benjamin Acorda kaugnay sa marahas na pag-aresto at hindi makataong trato nang igapos ng kapulisan sa wheelchair si suspended Mayor Samson Dumanjug ng Bonifacio, Misamis Occidental. At ang tugon ng PNP chief ay tinawagan daw niya sa cellphone ang police provincial director (PD) at chief of police para alamin ang pangyayari, pero ayaw naman daw siyang kausapin.


Dahil dito, umuusok sa galit si Sen. Dela Rosa na sinabihan ang PNP chief nang, “Ganu’n ka kahinang Chief PNP?”. Ayon sa senador kasi kung siya pa raw ang PNP chief at ginanun na ayaw kausapin ng PD at hepe, ay pupunta siya sa Misamis Occidental para pagsisipain ang dalawang nabanggit na police officer.


At dahil si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ang nagtalaga kay Gen. Acorda, parang sinabi na rin ni Sen. Dela Rosa na mahinang klase ang PNP chief ni P-BBM, boom!


◘◘◘


GEN. ACORDA, NAGPABIDA VS. ILLEGAL GAMBLING, PERO MGA GAMBLING LORDS NAMAMAYAGPAG PA RIN -- Sa totoo lang, tila may punto si Sen. Dela Rosa na sabihang mahinang klaseng PNP chief si Gen. Acorda.


Matapos kasi siyang italaga ni P-BBM na chief PNP ay nagpasiklab ito, agad nagdeklara ng “no-take policy” sa mga illegal gambling, kaya lang ang masaklap, higit tatlong buwan na siya sa puwesto ay tuloy pa rin ang STL-con jueteng nina "Kits" at "Egay" sa Marikina, Pasig, Mandaluyong, San Juan at Caloocan City, bookies at lotteng nina "Boy Abang" at "Lorna" sa Maynila, "Mario Bokbok" sa Malabon, "Jodi" sa Navotas, "Haruta," "Joy," "Deck," "Ricky," "PJ," "Allan" at "Josie" sa Muntinlupa, Pasay, Taguig, Parañaque, Makati at Las Piñas, color games nina "Edna" at "Jimmy" at "Nestor" at mini-casino ni "Patrick" sa Baguio City, drop balls ni "Aling Tessie" at STL-bookies nina "Reyes," "Biskotso" at "Tisoy" sa Batangas, "Ibora," "Toce" at "Alvarez" sa Laguna, at perya ng bayan-con jueteng nina "Mat," "Fajardo" at "Chito" at drop balls at color games nina "Akie," "Jano," "Mel," "Conrad," "Rene," "Bunso" at "Alvin" sa Pangasinan, at jueteng "John Yap," "Manalang" at "Renen" sa Cavite at Rizal, boom!


◘◘◘


HINDI MATITIGIL ANG SMUGGLING HANGGA’T MAY MGA ‘BUWAYA’ SA CUSTOMS AT DA -- Matapos na ibida ni P-BBM sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na bilang na ang araw ng mga smuggler at hoarders, nanawagan sa kanya ang ate niyang si Sen. Imee Marcos na dapat daw sibakin na nito ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) at Dept. of Agriculure (DA) na kasabwat ng mga smuggler sa bansa.


May punto si Sen. Imee sa hamon niyang ito sa kanyang kapatid na presidente, kasi hangga’t nasa puwesto ang mga “buwaya” sa Customs at DA, hindi talaga matitigil ang smuggling sa ‘Pinas, period!


◘◘◘


CUSTOMS OFFICER MARITESS MARTIN SINIBAK NA NOON SA PORT OF SUBIC, NA-PROMOTE PA BILANG HEAD NG PORT OF MANILA -- Ang isa sa hindi magandang kalakaran sa Customs, kapag mainit ang isyu sa smuggling, ang ginagawa lang ay “moro-morong” imbestigasyon at pagpapalit-palitin ng puwesto ang mga district collector.


Isang halimbawa ay si Customs official Maritess Martin, sinibak na ito sa Port of Subic noong Agosto 2022 ni dating Customs Comm. Yogi Felimon Ruiz kaugnay sa isyu ng sugar smuggling, pero makalipas ang isang linggo, ibinalik sa puwesto, at ang kuwela, na-promote pa kasi itinalaga siya ni Comm. Rubio bilang district collector ng Port of Manila (POM), boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page