top of page

SMB binawian ang TNT sa Game 2 finals, 1-1 na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 25, 2022
  • 1 min read

ni Gerard Arce - @Sports | August 25, 2022



Tumugon sa matinding hamon ang San Miguel Beer kasunod ng masakit na pagkatalo sa Game One para bawian ang TNT Tropang Giga matapos limitahan si 2021 Rookie of the Year Mikey Williams sa single digit na puntos para sa matagumpay na 109-100 para itabla ang serye sa 1-1 sa Game 2 ng best-of-seven final series ng 47th PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum kagabi.


Anim na manlalaro ang tumapos sa double digit para sa Beermen sa pangunguna ni CJ Perez sa 23pts at 5 rebounds mula sa 10-of-16 shooting, habang nagising ang mga masel ni “Muscle Man” Vic Manuel na tumikada ng 20pts at 4 rebs, samantalang bumanat din si Marcio Lassiter ng kontribusyon sa 19pts at 6 boards.


Nag-ambag din sina six-time MVP June Mar Fajardo ng 13pts, 8 rebs, 4 assists at 2 blocks, Jericho Cruz ng 12pts, 4 rebs at 3 assists at Mo Tautuaa sa 11pts at 4 boards. Hindi man naging mabisa sa scoring si Chris Ross ay namahagi ito ng 10 assists, 7 rebs at 4 pts, higit na ang matinding pagbabantay kay Williams na nalimitahan sa 7pts sa 3-of-10 shooting at 1-of-7 sa three-point area.


Humugot ng matinding opensa ang Beermen sa second half nang rumehistro ito ng 31pts at 27pts sa third at 4th period, ayon sa pagkakasunod, habang nalimitahan ang turnovers nito sa 15 buong laro na epektibong pasahan sa 22 assists, na mas mataas ng 10 sa Game one sa 12 lamang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page