Eala swak na sa singles q'finals, semis sa doubles
- BULGAR

- 23 hours ago
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | January 9, 2026

Photo: Biyaheng semifinals na ang tandem nina World No. 53 Alex Eala at World No.35 Iva Jovic ng US sa doubles event kahapon sa 2025 WTA 250 ASB Classic sa New Zealand. (fbpix)
Nagpakitang-gilas ang Filipina tennis star na si Alexandra “Alex” Eala ng mahusay na performance sa Round 2 ng Auckland tourney na kinailangan lamang ng 62 minuto upang padapain si Petra Marcinko ng Croatia sa iskor na 6-0, 6-2 upang pumasok sa q'finals, habang byaheng semifinals kasama si World No.35 Iva Jovic ng US semifinal round ng doubles event sa 2025 WTA 250 ASB Classic sa New Zealand.
Humahalibas ng atake ang World No.53 sa upang kumpletuhing pataubin ang Croatian na nahirapang makuha ang tamang timpla para sabayan ang kapwa 20-anyos na professional tennis player.
Maituturing na malaking tagumpay ito ni Eala na nagsisilbing isang makabuluhang mensahe sa mga katunggali kasunod ng dikdikang sagupaan at mistulang nakapapagod na 3-setter panalo laban sa isa pang Croatian na si Donna Vekic noong Martes.
Haharapin ng 33rd Southeast Asian Games women’s singles gold medalist si World No.52 at No.5 seed Magda Linette ng Poland sa quarterfinals sa Sabado, matapos talunin ng Polish player si Elisabetta Cocciaretto ng Italy sa 7-5, 2-6, 6-3 sa isang round-of-16 match, habang pinataob rin nito si dating World No.1 at 49-time WTA singles titlists Venus Williams sa Round-of-32.
Sakaling manaig si Eala kay Linette ay makakatapat nito sa semifinal ang mananalo kina No,7 seed at 57th ranked Xinyu Wang ng China at World No.72 Francesca Jones ng Great Britain. Umentra na rin si Eala kasama si Jovic sa semifinal round ng doubles event matapos makakuha ng walkover laban kina Jesika Maleckova ng Czech Republic at Renata Zarazua ng Mexico.
Makakatapat nina Eala at Jovic sina No.3 seed Yifan Xu, na World No.40 at World No.44 Zhaoxuan Yang ng China sa semifinals, habang naghihintay sa finals ang tandem nina World No.22 Hanyu Guo ng China at World No. 59 Kristina Mladenovic ng France, na nakakuha ng walkover panalo laban kina World No.63 Caty Macnally ng US Janice Tjen ng Indonesia.








Comments