top of page
Nadine Lustre - Zero Studio PH.jpg

May PhilHealth Z Benefit para sa Acute Lymphocytic Leukemia (ALL)!

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
2 min read

by Info @Brand Zone | October 23, 2026




 

Alamin ang benepisyong maaaring makatulong sa gamutan ng ALL.


1. Ano ang Acute Lymphocytic Leukemia?

Ang Acute Lymphocytic Leukemia o ALL ay isang uri ng kanser sa dugo at bone marrow na nakaaapekto sa white blood cells. Ito ay karaniwang nakikita sa mga bata ngunit maaari ring maranasan ng mga nasa hustong gulang.


2. Sagot ba ng PhilHealth ang gamutan sa ALL?

Sakop ng PhilHealth Z Benefit Package ang Standard Risk Acute Lymphocytic (Lymphoblastic) Leukemia sa mga kwalipikadong pasyente sa mga PhilHealth-contracted health facilities. PhilHealth Z Benefit Package


• Hanggang P500,000 para sa kumpletong gamutan sa loob ng tatlong (3) taon na pwedeng gamitin sa mga ospital na may kontrata para sa Z Benefits.


3. Sino ang mga kwalipikadong benepisyaryo?

• Batang may edad isang (1) taon hanggang sampung (10) taon at 364 araw;

• Kumpirmadong may Standard Risk Acute Lymphocytic Leukemia (ALL);

• Walang pagkalat ng leukemia sa utak at spinal cord;

• Kung batang lalaki, walang pagkalat ng leukemia sa testicles; at

• Pasok sa itinakdang resulta ng mga blood at laboratory tests para sa standard risk ALL.


4. Paano Mag-avail?

• Magpakonsulta sa doktor at sumailalim sa kinakailangang pagsusuri.

• Makipag-ugnayan sa PhilHealth-contracted hospital na may Z Benefit Package para sa ALL.

• Kumpletuhin ang mga kinakailangang dokumento at pre-authorization requirements ng PhilHealth.

• Makipag-ugnayan sa Z Benefit(s) Coordinator ng ospital para sa gabay at tulong sa pag proseso ng availment.

• Maaari rin magpunta sa PCARES. Sila ay mga PhilHealth staff na nakatalaga sa ospital para magbigay ng assistance sa mga miyembro.


5. Saan Maaaring Mag-avail?

I-SCAN ang QR Code para makita ang listahan ng PhilHealth-contracted health facilities na nagbibigay ng Z Benefit Package para sa Acute Lymphocytic Leukemia (ALL).



  • PhilHealth Good News sa employers




PAALALA: Dapat updated ang inyong Member Data Record (MDR) at kontribusyon para hassle-free ang pag-avail ng benepisyo.


PhilHealth Communication Channels

Para sa tamang gabay sa paggamit ng inyong benepisyo, makipag-ugnayan at tumawag sa: 24/7 (02) 8662-2588

0998-8572957 | 0968-8654670

0917-1275987 | 0917-1109812



Facebook: PhilHealthOfficial

TikTok, X, YT, Spotify: teamphilHealth

Instagram: team_philhealth




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page