top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Slogan ng Tourism, “Love The Philippines”, version ng Agri, “mahal sa Pilipinas”

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 30, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | June 30, 2023



FAKE NEWS ANG SINABI NI P-BBM NA KAYANG SOLUSYONAN NI GADON ANG KAHIRAPAN SA ‘PINAS KASI WALA NAMAN SIYANG RECORD NA TUMULONG SA MAHIHIRAP -- Ang sinabi ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na kahit daw dinisbar ng Supreme Court (SC) si Larry Gadon sa pagiging abogado ay hindi raw niya ito tatanggalin bilang isa sa miyembro ng kanyang Gabinete dahil kaya naman daw nitong solusyonan ang kahirapan sa ‘Pinas bilang head Presidential Adviser on Poverty Alleviation (PAPA).


Ang sinabing ito ni P-BBM ay fake news at isang malinaw na pang-uunggoy ito sa publiko, kasi paano niya nasabing kayang gampanan ni Gadon ang pagiging head ng PAPA eh, sa totoo lang wala namang record si Gadon na tumulong o kahit magmalasakit man lang sa mga mahihirap na Pinoy, period!


◘◘◘


SINUNGALING SI GADON -- Ayon kay Gadon, balewala naman daw sa kanya ang naging desisyon ng SC na pag-disbar sa kanya bilang abogado kasi noong year 2015 pa raw siya tumigil sa pagiging practicing lawyer.


Kita n’yo kasinungalingan ni Gadon, na kesyo 2015 pa raw siya tumigil sa propesyon niyang pagiging abogado, gayong noong 2020 ay siya ang nagsilbing lawyer ng kapwa niya sinungaling na si Peter Joemel Advincula, na kilala sa alyas na "Bikoy" na nag-akusa noon sa grupo ni former Vice Pres. Leni Robredo na nag-utos daw sa kanya para siraan si ex-P-Duterte, boom!


◘◘◘


PIRMA NANG PIRMA SINA EX-P-DUTERTE AT P-BBM, HINDI NILA ALAM LABAG PALA SA BATAS ANG KANILANG PINIPIRMAHANG POSTPONEMENT NG BRGY. AT SK ELECTIONS -- Idineklara ng SC na unconstitutional ang mga naganap na pagpapaliban sa mga nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Ang naging desisyong ito ng SC ay malaking kahihiyan sa pagkatao nina ex-P-Duterte at P-BBM, kasi lumalabas na wala pala silang alam sa batas, kasi ang mga pinirmahan pala nilang pagpapaliban sa BSKE ay labag sa batas, period!


◘◘◘


BAGAY SA DA ANG SLOGAN NA ‘MAHAL SA PILIPINAS’ -- Ngayong wala nang atrasan ang slogan ng Dept. of Tourism (DOT) na “Love the Philippines” na panghihikayat daw sa mga dayuhang turista. Dapat ay maglabas din ng slogan ang Dept. of Agriculture (DA) na nasa ilalim ng kontrol ni P-BBM. Ang slogan ay gawin sa wikang Pilipino na tatawaging “Mahal sa Pilipinas”.


Sobrang mahal kasi ang presyo ng mga bilihin sa ‘Pinas kaya bagay na bagay sa DA ang slogan na “Mahal sa Pilipinas,” boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page