top of page

Slater Young, damay sa pagsira sa mga bundok… REGINE, GALIT NA GALIT, SINISISI ANG MGA KORUP SA PAGBAHA SA CEBU

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 9
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | November 9, 2025



BIDA - REGINE, GALIT NA GALIT, SINISISI ANG MGA KORUP SA PAGBAHA SA CEBU_FB Regine Velasquez-Alcasid

Photo: FB Regine Velasquez-Alcasid



Galit na galit si Regine Velasquez sa nangyari sa Cebu at ipinost pa nito ang TikTok (TT) video kung saan inisa-isa ang mga rason sa matinding pagbaha sa Cebu dala ng Bagyong Tino.


Number one reason na binanggit ay ang ipinatayong Monterrazas de Cebu, isang project ni Slater Young, na nasisisi sa matinding pagbaha.


Sey ni Regine (as is), “ANONG GINAWA N’YO SA CEBU! Hindi bumabaha sa Cebu, anong ginawa n’yo! Sinira n’yo ang kabundukan na s’yang proteksyon natin sa bagyo at pagbaha! ANONG GINAWA N’YO! HINDI BUMABAHA SA CEBU! Sinira n’yo ang napakagandang Cebu natin.


“BAKIT PINAHINTULUTANG HUKAYIN ANG MGA BUNDOK? SINO ANG NAGBIGAY NG PERMISO PARA SIRAIN ANG BIGAY SA ATIN NG DIYOS? PURO KAYO LAGAY, I’M SURE HINDI ITO DUMAAN SA MATINDING PAGSISIYASAT KUNG DAPAT BANG SIRAIN ANG KABUNDUKAN. 


“Naiintindihan ko kailangan natin ang mga minerals na ito pero hindi n’yo man lang inisip ang consequences nito! ‘YAN DIN ANG GINAGAWA N’YO SA SIERRA MADRE NA HUMAHARANG AT NAGLILIGTAS SA ATIN TUWING MAY MALAKAS NA BAGYO! TRABAHO N’YONG PROTEKTAHAN ANG ATING KALIKASAN. NAKAKAPANLUMO NA DAHIL PERO SINIRA NYO ANG ATING BANSA. HABANG KAYO AY NAGPAPASASA, ANG MGA KABABAYAN NATIN AY NAGDURUSA. HINDI NYO LANG SINISIRA ANG KALIKASAN, PINAPATAY NYO KAMI! LORD, please help us. We pray for our kababayan in Cebu.”


Nag-comment si Ogie Alcasid sa shout-out at pagko-callout ni Regine at sabi nito, “Nakakagalit. Nakakalungkot.”


Hindi lang sina Regine at Ogie ang nagagalit, lahat ng Pilipino ay ito ang nadarama (maliban sa mga corrupt). 


Sana nga ay marinig ang panawagan ng mga gaya ni Asia’s Songbird. 

Sana ay may magandang resulta ang galit ng mga Pilipino.



Never daw magso-sorry…

HEART, WALANG PAKI SA MGA NAKIKIALAM SA BUHAY NIYA



ANG caption ni Heart Evangelista, “Everything I know about love, grace, and

resilience, I learned from her. I love you, Mom.”


Kasama ni Heart sa photo ang mom niya, na totoo namang fashionista at siya ang original na fashionista. 


May mga comments na, “Mother is mothering,” “Mother is indeed a real HOME,” at

“Your best friend, your safe place and your guiding light.”


May nag-comment na may gustong ipasampal sa mom ni Heart, pero hindi gagawin ng mom nito ang basta-basta manampal kahit hindi maganda ang ini-report sa anak.


Mukhang nasa biyahe si Heart at ang mom niya, pang-abroad kasi ang mga suot nila, o baka old photo lang ang ginamit niya para magkasama sila sa post niya.

May ipinost din si Heart na quotation mula sa binabasa niyang libro, “Live life on your terms and never apologize for it.” 


Tanong ng mga netizens, sino raw ang pinatatamaan ni Heart Evangelista sa post na ito? Sa mga comments, ramdam na marami ang mga bashers niya pero mas marami pa rin ang nagmamahal sa kanya at naghihintay sa muli niyang pagiging active.



Ayaw daw maging showbiz ang relasyon nila…

VINCENT, ‘DI FEEL SUMAMA KAY BEA SA MGA PARTY



MAY paayuda na uli si Bea Alonzo at ang boyfriend niyang si Vincent Co. 

Si Dr. Aivee Teo ang nag-post ng photo ng couple, kaya nagpasalamat ang mga supporters nina Bea at Vincent.


Parang sinundo ni Vincent si Bea mula sa pagdalo sa 70th birthday ni Charo Santos, kasabay ng 50th showbiz anniversary celebration nito. Hindi kasama ni Bea si Vincent dahil naka-t-shirt at may suot itong cap. Sinundo na lang niya ang GF after the celebration, at nakita ng mga fans na sweet ang gesture nito.


Hindi raw maepal si Vincent at hindi showbiz. Ilang showbiz events na ang dinaluhan ni Bea na puwede siyang sumama, ayaw lang nito, ayaw niyang maging showbiz ang relasyon nilang dalawa.


May konting reklamo lang ang mga fans nina Bea at Vincent, ang iksi ng video. Gusto sana nilang makita kung si Vincent ang nagda-drive ng car o kung may driver. 


Kung si Vincent ang nag-drive para sunduin si Bea, ibang klase raw ito, he is the one para sa aktres, at wish ng mga fans, sila na ang endgame.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page