SLATER, PAHIYA SA HIRIT NA OKS LANG MAGPANTASYA SA BABAE KAHIT MAY DYOWA NA
ni Maricon Nolasco @Special Article | May 18, 2023

Humingi na ng apology ang content creator na si Slater Young matapos niyang sabihin sa kanilang podcast ng kanyang asawang influencer na si Kryz Uy na "normal" lang para sa mga lalaki na pagpantasyahan ang ibang babae kahit na sila ay may karelasyon na.
Nagbigay kasi ng words of wisdom at advice ang mag-asawa sa isang letter sender na dumulog sa kanila at sinasabing may iba pang babaeng pinagpapantasyahan ang kanyang boyfriend.
Ang paglalahad ng anonymous letter sender, "My boyfriend is fantasizing about other women, is that bad or am I crazy? He now labels me as isip-bata or crazy. We have debated every now and then about his infidelity.
"I never caught him in person or being physical with a girl. But I caught some chats with his friends where they fantasize about women with big butts and breasts, and even joking about sleeping with certain girls."
Pagkatapos nilang basahin ang naturang letter ng anonymous sender, agad na nagbigay ng reaksiyon sina Slater at Kryz.
Ayon kay Slater, nagsasabi lang naman nang totoo ang boyfriend ng anonymous letter sender.
Sey ng content creator, "The guy is being absolutely honest. Kasi siyempre, if I'm going to lie to you, and you ask me if I have boners about other women and if I wanted to lie just to make you uncomfortable, I'm just gonna say, 'No, of course not.'”
Dagdag pa nito, "Kryz and I talk about that. It's normal. It's just a fact of life that there are many other women more attractive than you or just as attractive as you."
Para kay Slater, normal lang daw sa mga lalaki na mapag-usapan ang ibang mga babae. Depensa pa nito, "'Yung mga groups na nagse-send ng mga photos of girls and like fantasizing over it, it's normal.
"We have a lot of group chats with friends, not necessarily dedicated to that. From time to time, usually comes from dalawa or tatlong tao na mahilig mag-send ng ganyan.”
Matapos ngang mapanood ng mga netizens ang podcast ni Slater kasama ang kanyang asawang si Kryz, hindi naging maganda ang pagtanggap nila sa mga pahayag ng content creator.
Marami ang na-disappoint sa naging statement na ito ni Slater. Kaya noong nakaraang Linggo (May 14), nakatanggap ng iba't ibang reaksiyon at komento ang content creator sa podcast nila ng asawang si Kryz.
"It happens but this shouldn't be normalized. Women should not be objectified," sabi ng netizen.
Ang pagkontra naman ng isa pang netizen sa naging pahayag ni Slater, 'yung katotohanan pa lang na ginagawa ito privately ng mga kalalakihan ay hindi na normal. At hindi rin daw maganda sa pakiramdam ng isang babae na malamang pinagpapantasyahan siya ng mga lalaki.
"The fact na privately siya ginagawa, ibig sabihin, it is not something to be normalized. It happens in real life, but it is not normal. Dahil kung malalaman ng isang tao na subject siya sa pagpapantasya, hindi 'yun maganda sa pakiramdam. 'Yung ma-catcall ka nga lang, nakakabastos na, 'yang ganyan pa kaya."
At dahil sa mga komentong ito ng mga netizens ay muling naglabas ng panibagong podcast si Slater nitong Lunes (May 15) upang humingi ng paumanhin sa lahat ng na-offend at naapektuhan sa kanyang mga salitang binitawan.
Ang ilang bahagi ng apology message ni Slater sa kanyang podcast, "I truly, truly do apologize in my heart of hearts.
"I just want to put this out there that I really do apologize, and I need a little bit more time to reflect.
"Hindi talaga ako pro-objectifying women but ‘yun ‘yung mga words na sinabi ko, ‘yun ‘yung effect na nagawa ko sa mga sinabi ko.
"Apologies. That's not my intention. In my heart, hindi talaga ‘yun ang intention ko. I hope na mapagbigyan."





Comments