Siya raw ang nakipaghiwalay, pero… DEREK, SISING-SISI NA, GAGAWIN LAHAT MAKUHA LANG ULI SI ANDREA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 5, 2020

Ayaw naming paniwalaan ang naging pahayag ni Derek Ramsay sa ilang malalapit na kaibigan na nagsisisi na siya sa pakikipaghiwalay kay Andrea Torres at gusto nang balikan ang Kapuso actress.
Na-realize raw ni Derek na mahal na mahal niya si Ada (palayaw ni Andrea) kaya gagawin niya ang lahat upang muling makuha ang tiwala ng ex-GF.
Sinabi pa raw ng morenong aktor na handa na siyang magpakasal kay Andrea sakaling tanggapin siyang muli.
Eh, ang tanong, gugustuhin pa ba ni Andrea na makipagbalikan sa aktor kahit mag-alok pa ito ng kasal?! May second chance pa ba sa kanilang love story?





Comments