Sinugod-bahay ni Vice... RYAN BANG, BUKING NA MAY NAPKIN AT DAMIT-PAMBABAE SA BAHAY
- BULGAR

- Nov 9, 2020
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 9, 2020

Sinorpresa ni Vice Ganda na dalawin ang kanyang anak-anakang si Ryan Bang sa condo unit nito.
Nag-house raid si Vice sa unit ng Korean actor-TV host dahil lilipat na sa bagong condo si Ryan.
Hindi sukat-akalain ni Ryan na gagawin ‘yun ng kanyang ‘Mommy Vice’ kaya nawindang siya.
Ayon kay Ryan, 10 years din daw niyang tinirhan ang condo niyang ‘yun. Pero, masaya dahil nakapundar siya ng kanyang sariling tirahan mula sa kanyang pinagtrabahuhan.
Nakatakda na si Ryan na lumipat sa nabiling condo unit. Nu’ng nag-uumpisa pa lang ang Korean actor-TV host ng kanyang career dito sa Pilipinas after niyang lumabas sa PBB house ay isa si Vice sa mga tumulong sa kanya.
Kaya naman, hindi maikakaila ang pagiging malapit nina Ryan at Vice sa isa’t isa. Ayon kay Ryan, maliit pa lang noon ang bahay ni Vice, pumupunta na siya para makikain dahil magkalapit lang ang kanilang tinitirhan.
Very proud naman si Vice sa narating ng kanyang anak-anakan. Nakabili na umano ito ng sariling condo at buong floor pa umano ang nabili.
Habang nire-raid ni Vice ang bahay ni Ryan, shocked siya dahil may mga nakakaintrigang bagay siyang natagpuan sa closet nito.
May mga gamit daw na pambabae. Kabilang sa mga nakita niya ay sanitary napkin at damit na pambabae.
Biglang napaisip ang komedyanteng actor. Naalala niyang minsan ay nasabi ni Ryan na may girlfriend na ito at kailan lang ay isinama pa sa kanyang music video.
Hmmm… talaga, Ryan?!!!




Comments