top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Single mom na makapag-a-abroad ulit at makikilala sa ibang bansa ang mapapangasawa

BULGAR
Sep 30, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | September 30, 2021





KATANUNGAN

  1. Ako ay dating nag-Japan at nagkaroon ako ng anak sa magkaibang lalaki, pero wala akong pinakasalan sa kanila. Sa ngayon, ubos na ang lahat ng ipon ko at ang boyfriend ko ay may asawa na rin, pero siya ang tumutulong sa akin.

  2. Ang problema, malabo ang aming relasyon dahil may pamilya na siya. Ibig sabihin, may kahati ako sa buhay niya at alam ko na naaawa lang siya sa akin kaya tinutulungan niya ako. Hindi pa kasi sila hiwalay ng kanyang asawa at parang wala naman siyang balak na hiwalayan ito. May pag-asa bang siya na ang makakatuluyan o makakasama ko habambuhay kahit may pamilya na siya? Kasi kahit paano ay umaasa ako na magiging kami rin sa bandang huli.

  3. Sa ngayon ay may aplikasyon din ako sa abroad, pero hindi na sa Japan, matutuloy ba ako at kailan? Kung hindi ang kasalukuyan kong boyfriend ang makakasama ko habambuhay, may makikilala pa ba akong iba? Isa pa, kailan siya darating at saan ko siya makikilala?

KASAGUTAN

  1. Ang nakatutuwa ay may ikalawa at mas malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) na namataan sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na ang ikalawang pag-a-abroad, kung sakali mang mangyari ay sigurado namang makatutulong upang tuluyan ka nang makalaya sa lalaking may asawa na. Gayunman, ang nasabing pangingibang-bansa ay inaasahang mangyayari sa last quarter ng taong 2022, sa edad mong 29 pataas.

  2. Sa pag-ibig o sa larangan ng love life, nakatutuwa ring makita na may ikaapat na mas malinaw at mahabang Marriage Line (Drawing A. at B. 4-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Ito ay nagsasabing sa ikaapat na pag-ibig, pakikipagrelasyon o sabihin na nating pag-aasawa, tiyak ang magaganap, makakasumpong ka na ng legal at tunay na kapareha na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagsasama, kahit sabihin pang may dalawa kang anak sa pagkadalaga. Ang nasabing lalaki na mapapangasawa at makakasama mo habambuhay ay isinilang sa zodiac sign na Libra at magaganap ang inyong pagtatagpo sa ibang bansa sa taong 2023 sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre. At pagkatapos ng inyong humigit-kumulang isang taong relasyon, sa year 2024, sa pag-uwi ninyo sa ating bansa, may isang simple ngunit masayang kasalang magaganap.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Ang pagsubok ay bahagi ng buhay at kapag ito ay maluwag sa loob mong tinatanggap at ipinagpapasalamat, darating ang panahong ang mga problema at pagsubok na ito ay kusa ring maglalaho at mabubura.

  2. Tunay ngang walang panahon sa ating buhay na palaging tag-ulan, tag-lagas o tag-bagyo, sa halip, tiyak na isang araw, mahaba man ang dilim ay siguradong sisikat at sisikat ang araw at sa pagsikat nito, kasabay ang panahon ng tagsibol at pagbabagong buhay.

  3. Habang, ayon sa iyong mga datos, Adele, sa susunod na taong 2022, nakatakda na ang magaganap kung saan hindi na mapipigilang magbabago ang nakatakda mong kapalaran. Sa edad mong 29 pataas, may ikalawa at mas mabungang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran. Lilipas ang humigit-kumulang na isang taon, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra ang iyong makikilala. Pagdating ng taong 2024, sa edad mong 31 pataas, muli kang iibig at ang ikalawang relasyon na ito ang mananatili, mas magiging maligaya at magiging panghabambuhay na.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page