top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Single mom na hopeless magka-love life, makikilala si “the one” sa isang paglalakbay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 5, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| April 05, 2021



Dear Maestro,

Isinilang ako noong February 4, 1995. Maraming beses na akong nabigo sa pag-ibig, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo dahil ayaw ko nang mabigo pang muli.

Gusto kong malaman kung sa edad ko bang 26 at may isang anak sa pagkadalaga, makatatagpo pa ba ako ng lalaking totoo sa akin, iibigin ako nang tapat at pakakasalan?

Bukod sa mamahalin ako, mamahalin din ba niya ang aking anak at ituturing na parang tunay niyang anak? Minsan ay nawawalan na ako ng pag-asa at sarili ko ang sinisisi ko kung bakit ako nagkaganito.


Umaasa,

Ms. Aquarius Soler St. Santa. Cruz, Manila

Dear Ms. Aquarius,

Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil bukod sa may hitsura at maganda ka naman, kapansin-pansing okey din naman ang iyong signature o pirma.


Ang lagda mong nagtapos sa paitaas na stroke sa halip na sa paibaba, ang nagsasabing sa edad mong 26 pataas, kahit dalagang ina ka ngayon, muli kang makatatagpo ng lalaking tapat at magmamahal sa iyo habambuhay.


Samantala, susuwertehin ka pa sa pag-ibig at pakikipagrelasyon at ayon sa iyong Love Calendar, ang pagdating ng nasabing lalaki na habambuhay na sa iyong magmamahal kahit dalagang ina ka ay nakatakda mong makilala sa isang paglalakbay.


Ang pagdating ng nasabing lalaki ay magaganap sa susunod na taong 2022, sa edad mong 27 pataas, sa buwan ng Disyembre o Enero. Sa unang pagtatagpo n’yo, ikaw ay nakausot ng dilaw at puti naman ang nasabing lalaki, na magiging kaibigan mo hanggang sa maging boyfriend at sa bandang huli ay tuluyan at panghabambuhay ka na niyang mamahalin kahit single mom ka. Sa taon namang 2023, sa edad mong 28 pataas, tuluyan nang mabubuo ang isang maligaya at panghabambuhay ng pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page