top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

SINAG- Baboy galing China, ipagpabawal para iwas Swine Flu (G4 Virus)

  • BULGAR
  • Jul 2, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | July 2, 2020




Nakiusap ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na agad na suspendihin ang lahat ng papasok na agriculture at agri-based product sa ‘Pinas para maiwasan ang pagpasok ng bagong type ng swine flu mula sa China.


Sinabi ng grupo na hindi pa ginagawa ng Agriculture department ang unang hakbang ng implementasyon na lagyan ng border examination ang mga pasilidad.


Hindi pa rin nagagawa ang humigit-kumulang Php2 bilyon worth ng examination facility na ilalagay sa port ng Manila, Bataan, Cebu at Davao.


“Sa panahon ng global pandemic, food safety at public health ang kailangang tutukan ng gobyerno at magsagawa ng implementasyon ukol sa global standard ng Quarantine First Policy,” sabi ng SINAG sa isang panayam.


Samantala, agad namang dumirekta si Bureau of Customs Commissioner Rey Guerrero sa port upang sabihin na inspeksiyuning mabuti ang mga container para maiwasan ang impeksiyon sa baboy na papasok sa ating bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page