PAPA DUDUT, GUMASTOS NG P7M MABUNTIS LANG ANG MISIS
- BULGAR

- 2 hours ago
- 4 min read
by Janiz Navida @Showbiz Special | August 30, 2026

Photo: FB Papa Dudut
Grabe pala ang life story ng most popular DJ ng Bgy. LS FM 97.1 at host ng sikat na sikat na radiio program na Bgy. Love Stories na si Papa Dudut or Rensmark Jairuz Ricafrente in real life.
Nakapanayam namin kahapon, together with few press colleagues, si Papa Dudut na ibinalitang after 20 yrs. sa radyo, finally ay mapapanood na rin sa telebisyon ang kanyang Bgy. Love Stories TV, at magsisimula ‘yan sa September 12, 4 PM sa GMA-7 kapalit ng long-time running program na Wish Ko Lang.
Siyempre ay super excited si Papa Dudut sa pag-ere ng first program niya sa TV, but at the same time ay may kaba rin siya kung paano ito tatanggapin ng mga televiewers.
However, kahit kabado, may paniniwala rin naman siyang may kakambal siyang suwerte dahil lahat daw ng hilingin niya sa buhay ay ibinibigay naman ni Lord at sobrang blessed na nga raw niya kung tutuusin.
Proud na chika nga niya sa amin kahapon, magpipirmahan na sila ng kontrata ngayong Linggo (Agosto 30) para sa bagong building na binili niya para iregalo sa kanyang misis na si Jem, na by the way ay 8 yrs. younger sa kanya at siya pa raw ang nagpaaral dito.
Naniniwala si Papa Dudut na hindi forever (sa show niya lang may forever? Chos!) ang buhay niya sa radyo at ngayon ay sa TV na rin, kaya habang kaya pa niyang kumita nang malaki at makapag-ipon para sa kanyang pamilya ay todo-invest siya.
Two-storey building na may parking lot for 8 cars ang binili niya sa tapat ng SM sa San Jose Del Monte, Bulacan. Balak niyang parentahan ang naturang building at ang kikitain nito ay balak naman niyang ipagpatayo ng resort para sa kanyang mahal na mahal na ina.
Sa next column namin, itsitsika naman namin sa inyo ang backstory ng success ni Papa Dudut kung bakit ganu’n na lang siya ka-hardworking at talagang ipinangako sa sarili na ayaw na niyang maghirap uli.
By the way, bukod sa building, meron na rin daw siyang 9-hectare farm sa Lucena City na siyempre ay ipapamana niya sa kanyang tatlong anak. Ang panganay nila ni Jem ay 14-yr.-old boy at ‘yung kambal niya naman ay 2 yrs. old pa lang.
Would you believe, tumataginting na P7 million ang ginastos ng mag-asawa magkaroon lang ng kanilang kambal na one boy at one girl?
Pag-amin ni Papa Dudut, pandemic pa lang ay itina-try na nila ng kanyang misis na masundan ang kanilang panganay, pero may PCOS si Jem at sinabihan daw ng doktor na hindi na magkakaanak uli.
Nagkaiyakan daw ang mag-asawa pero hindi sila sumuko. At kahit wala naman daw sapat na pera noon, inilaban ni Papa Dudut na magkaanak pa rin sila kaya sinubukan nila ang IVF procedure at ‘yun nga, umabot daw sila sa 7th to 8th embryo bago nabuo ang kambal.
Imagine kung magkano magpa-IVF, tapos hindi naging successful ‘yung mga first attempts.
Sa ngayon, may isa pa raw silang natitirang embryo na next year na nila balak ituloy ang muling pagbubuntis ng kanyang misis.
Ewan kung pabiro pero sabi ni Papa Dudut, ayaw daw kasi niyang magka-baby nang tag-ulan, dahil ‘pag nag-birthday daw, walang pupunta. Hahaha!
Anyway, mala-Lovingly Yours dati ni the late Ms. Helen Vela ang format ng Bgy. Love Stories TV kung saan mapapanood na ang mga kuwento ng pag-ibig, buhay at pag-asa ng mga ordinaryong tao, na dating napapakinggan lang natin sa radyo via Bgy. Love Stories sa Bgy. LS FM 97.1
Kaya mark your calendar, tutukan ang first episode ng Bgy. Love Stories TV on Sept. 12, at 4 PM. Sina Shuvee Etrata at Anthony Constantino ang gaganap sa istoryang itatampok sa first episode.
‘Yun na!
Saglit lang, ha? ‘Di pa siya sikat nu’n…
SINGER-ACTRESS, MINALDITAHAN ANG SIKAT NA DJ, MGA KANTA, BANNED NA SA RADIO PROGRAM
BLIND ITEM:
IMBIYERNA to the max pala ang isang sikat na DJ sa radyo sa singer-actress na talent ng isang giant network.
Actually, may 15 yrs. ago na raw nangyari ang pagmamaldita ng singer-actress sa sikat na DJ. Nangyari ito sa isang mall show ng singer-actress kung saan event host naman ang DJ.
Nagpo-promote ng bagong CD that time ang singer-actress. Nang makita siya ng DJ, masaya siyang sinalubong at binati sa kanyang pangalan.
Pero ‘daaay! Sumimangot at dumedma lang ang singer-actress sabay ngiwi at nilagpasan ang DJ na sumalubong sa kanya. Ang kanyang handler na lang ang nag-sorry sa DJ, may sumpong daw ang kanyang alaga.
But since then ay tinandaan na ‘yun ng DJ at tuwing magkakasalubong sila ay dedma na rin ang DJ sa singer-actress.
Ang catch, dahil sa pagmamaldita ng singer-actress, BANNED ang lahat ng kantang gusto niyang i-promote sa show ng sikat na sikat pa namang DJ.
Naku, saglit lang, ha? ‘Di pa raw siya sikat nu’ng nagmaldita siya, what more kaya ngayong may pangalan na rin naman siya?
MERYLL, BIPOLAR NA, UMAMING NAG-DRUGS PA
INAMIN na sa amin noon ni Meryll Soriano sa isang previous interview namin sa kanya na bipolar siya at dumanas ng post-partum depression sa kanyang panganay na anak na si Elijah.
Pero ang bago sa amin ay ang inamin niya kamakailan sa panayam sa kanya ni Karen Davila sa vlog ng huli na nag-drugs din pala siya at the age of 25.
At dahil bipolar nga raw siya na may chemical imbalance, lalo pang naging worst nang mag-drugs siya.
Pero one day, bigla na lang daw nagising si Meryll na ayaw na niya ‘yung ginagawa niya kaya siya na mismo ang nagdala sa sarili sa ospital at nagpa-therapy, hanggang sa tuluyan nang naka-recover.
Samantala, isa rin sa mga nabanggit ni Meryll ay ‘yung 4 months lang pala tumagal ang kasal nila ni Bernard Palanca, habang si JM Bascon na tatay ng second child niya ay 7 yrs. na niyang ka-live-in ngayon, pero hindi pa rin sila ikinakasal.
Nadala kaya si Meryll sa nangyari sa kanila ni Bernard noon? Well…






Comments