top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Simula Nob. 10... Bakunadong drayber lang puwedeng bumiyahe sa Baguio City

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 9, 2021
1 min read

ni Lolet Abania | November 9, 2021



Hindi na papayagan ang mga drayber na bumiyahe sa mass transport routes sa Baguio City kung hindi pa nabakunahan kontra-COVID-19 simula sa Nobyembre 10.


Sa isang advisory ngayong Martes, ipinahayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ang mga bakunadong drayber lamang ng mga public utility jeepney, taxi at UV Express, at mga nakatanggap na ng kanilang first dose, ang papayagang mag-operate sa lungsod upang aniya, maprotektahan ang mga riding public laban sa COVID-19.


Ang mga drivers naman ng essential at non-essential cargo vehicles ay hindi kasama sa polisiya habang patuloy ang kanilang pagbiyahe para hindi maantala ang pagdadala ng mga produkto.


Base sa direktiba, kung ang drayber ay hindi pa vaccinated, residente man ng Baguio o hindi, siya ay dadalhin sa Baguio Athletic Bowl para makatanggap ng drive-thru vaccination laban sa COVID-19.


Samantala, nagbukas na ang tanyag na night market sa Baguio City mula alas-7:30 ng gabi hanggang alas-11:00 ng gabi dahil isinailalim na sa Alert Level 3 ngayon ang lungsod.


Hanggang 1,000 indibidwal lamang ang papayagan sa loob ng night market.


Nasa high alert na din ang mga awtoridad para masigurong nasusunod ang ipinatutupad na safety at health protocols.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page