top of page
Search
  • BULGAR

Simbahan at eskwelahan, dapat malaya sa karahasan

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | December 7, 2023


Mariin nating kinokondena ang nakaraang pagbomba sa loob ng Mindanao State University sa Marawi.


Apat ang namatay at nasa 50 katao ang nasugatan dahil sa pagsabog ng hinihinalang improvised bomb sa kalagitnaan ng misa sa loob ng gym ng MSU-Marawi nitong Linggo.


☻☻☻


Malaya dapat sa karahasan ang mga paaralan at mga lugar ng pananampalataya.


Kaya’t nakapanlulumo at nakakagalit na may mga grupong nangangahas na lapastanganin ang mga sagradong lugar na ito upang saktan at sindakin ang madla.


Taus-puso ang aking pakikidalamhati sa mga pamilya ng mga biktima.


Nakikiisa din tayo sa panawagan para sa pananaig ng hustisya, kapayapaan at kaayusan hindi lang sa Marawi, kundi sa buong bansa.


☻☻☻


Plano din nating maghain ng resolusyon sa Senado upang matukoy ang plano ng pamahalaan sa pagtugis sa mga kriminal na responsable sa trahedyang ito.


Makakaasa ang ating mga kababayan na maninindigan tayo para sa pagpigil ng masamang hangarin ng mga teroristang grupo sa bansa.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page