top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

SIM Registration, ‘di dapat mabahiran ng duda

BULGAR
Dec 28, 2022
1 min read

@Editorial | December 28, 2022


Sinalubong ng server issue ang ilang subscribers na maagang nagparehistro para sa unang araw ng pagpapatupad ng SIM Registration Law.


Bandang umaga nang magpakita umano ng “Bad gateway” prompt ang registration links ng Globe at Smart.


Pinayuhan ang mga kliyente na subukan ulit ang link sa mga susunod na oras. Habang may mga subscribers naman ang sinabihang puwedeng magpunta sa mga store para magpatulong sa pagpaparehistro.


Naunang sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Lunes, na posible ang mga lilitaw na isyu sa SIM registration sa unang dalawang linggo ng pagpapatupad nito.


Nangako naman ang mga telecommunication company na sisikapin nilang mas pagbutihin pa ang proseso.


Totoo namang hindi maiiwasan na magkaroon ng problema sa mga panuntunan o batas na una pa lang ipatutupad. Ang mahalaga ay maaksyunan agad ang mga problema.


Hindi dapat mabahiran ng pagdududa ang bagong batas. Batid naman nating binuo ito para mapigilan ang krimen at scam. Ito ay sa kabila ng pangamba ng publiko na baka malabag ang karapatan.


Kaya sa kinauukulan, resolbahin sa lalong madaling panahon ang mga isyu, ipaliwanag ang anumang kalituhan at tiyakin na maayos ang sistema.


Tayo namang mamamayan, habaan ang pasensya at magtiwala sa proseso. Kung sakaling may problema, alamin ang solusyon, puwedeng magtanong.


Pare-pareho tayong bago sa SIM registration, pero ang mas malaking responsibilidad ay nasa mga awtoridad, sa mga gumawa at magpapatupad ng batas, kaya plis lang, pagbutihin natin ang implementasyon nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page