top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Silver coins, pahiwatig ng mabilis na pagyaman

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 2, 2021
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 02, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gina ng Palawan.


Dear Maestra,


Nagpapasalamat ako sa inyo dahil lahat ng isinangguni kong panaginip sa inyo ay nagkatotoo ang inyong interpretasyon. Kaya naman heto ako at muling magpapaanalisa ng panaginip. Napanaginipan ko na andaming coins na puro silver sa harapan ko, tapos ibinigay ko ‘yung iba sa friend ko as a souvenir for his birthday. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,


Gina


Sa iyo, Gina,


Ang ibig sabihin ng silver coins sa panaginip mo ay tagumpay sa negosyo.


Madaragdagan ang kita mo at mabilis ang magiging pagyaman mo.


‘Yun namang ibinigay mo ang ibang coins sa iyong kaibigan bilang souvenir para sa kanyang birthday ay nangangahulugan ng magandang kondisyon sa iyong kapaligiran.


Napapaligiran ka ng mga tapat at mababait na kaibigan at sa pagdaan ng mga araw, mas darami pa ang mga bago mong kakilala na magdudulot sa iyo ng saya at maaasahan mo rin sila sa panahon ng kagipitan.


Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia De Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page