top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Silver at gold na singsing, suwerte sa lotto

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 9, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | March 9, 2023


Dear Maestro,


Naisipan kong kumonsulta sa inyo upang alamin ang aking masuwerteng numero, kulay, petsa at araw ng pagtaya sa lotto. Sa ngayon kasi ay naghihirap kami at tanging lotto ang inaasahan ng aking pamilya upang makaahon sa kahirapan at mga pagkakautang.


Sana ay mabigyan n’yo ako ng dagdag pang suwerte upang makaahon kami sa kahirapan.


Gusto ko ring malaman, Maestro, kung ano ba ang mapalad kong hiyas o singsing na dapat suotin upang ako ay suwertehin? March 14, 1991 ang birthday ko.

Umaasa,

Abner ng Morong, Rizal

Dear Abner,


Bagama’t hindi natin tinatangkilik na paraan ang sugal upang makaahon sa kahirapan, puwede namang gawin ito bilang libangan o paminsan-minsan lang.


Gayunman, ang bawat isa ay may angking laya na gawin ang anumang bagay na kanyang maibigan, hangga’t hindi siya lumalabag sa umiiral na batas at hindi niya pineperwisyo ang kanyang kapwa.


Habang, ayon sa birth date mong 14 o 5 (1+4=5) sa destiny number na 1 (3+14+1991=2008/ 20+08=28/ 2+8=10/ 1+0=1) sa zodiac sign na Pisces ay nagsasabing, tatama ka ng malaking halaga sa anumang uri ng pakikipagsapalaran sa panahon ng buwan ng Enero hanggang Abril, partikular tuwing sasapit ang petsang 4, 13, 22, 31, 9, 18, 27, 8, 17 at 26, higit lalo kung ang mga petsang nabanggit ay natapat sa araw ng Linggo, Lunes, at Miyerkules.


Bukod sa iyong kaarawan na 14, 5, at 23, sa kaarawan ng asawa mo, gayundin ang kaarawan ng ikalawa mong anak ay maaaring isama sa paborito mong numero, ay ang mga numerong hango sa mahiwagang Aklat ng Kabala, 507/ 531/ 317 at 216. Ikaw na ang pumili ng saktong kombinasyon base sa iyong pakiramdam at panlasa.


Mapalad ka rin sa batong bloodstone kung ipapalamuti mo ito sa silver o gold na singsing.


Samantala, upang matiyak ang malaking panalo, maghanap ka ng lotto outlet na malapit sa ‘body of water’ tulad ng ilog, tulay, dagat, tangke ng tubig, nawasa o istasyon ng mineral water. Sa mga lotto outlet na nabanggit na malapit sa tubigan, malaking panalo ang iyong makakamit.


Ayon sa Decadens ng Kapalaran, darating sa buhay mo ang hindi inaasahang dambuhalang suwerte na magdudulot sa ‘yo ng malaking panalo sa isang pa-raffle o number games sa susunod na taon hanggang 2025 at sa edad mong 33 pataas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page