Sikat na naman ang ‘Pinas sa buong mundo sa kapalpakan sa NAIA
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Enero 4, 2023
‘PINAS, MALAMANG ‘WORST AIRPORT IN THE WORLD’ NA NAMAN DAHIL SA KAPALPAKAN NG CAAP—Noong May 2022 ay itinala ng California-based Luggage Storage app Bounce ang pambansang paliparan ng Pilipinas na Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang ‘worst airport sa buong mundo’.
Samantala, dahil sa kapalpakan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nagresulta kaya libu-libong pasahero ng eroplano ang stranded sa mismong panimula ng 2023, malamang ay ‘worst airport in the world’ na naman ang ‘Pinas ngayon.
◘◘◘
GOOD NEWS MAGIGING P80/KL NA ANG SIBUYAS, BAD NEWS HINDI SINABI KUNG KAILAN MANGYAYARI—Good news ang in-announce ni Asec. Kristine Evangelista, spokesperson ng Department of Agriculture, na ngayong 2023 ay bababa na sa presyong P80 kada kilo ang sibuyas, na sa ngayon ay ubod nang mahal na halos umabot na sa P1K.
Pero ang bad news nga lang ay hindi sinabi ni Evangelista kung kailan ang eksaktong petsa kung kailan ito mangyayari.
◘◘◘
PRESIDENTIAL SISTER NA NGA ANG NAGBULGAR NG MGA AGRI-SMUGGLERS, PERO ‘NGANGA’ PA RIN ANG CUSTOMS—Ibinulgar ni presidential sister, Sen. Imee Marcos na may sabwatan ang mga opisyal ng DA, hoarders at smugglers, kaya pumalo sa halos P1K per kilo ang sibuyas.
Nauna rito, ibinulgar ni Sen. Imee ang pangalan ng mga agri-smugglers kabilang sina “Leah Cruz”, “Michael Yang”, “David Bangayan”, “Paul Teves”, “Manuel Tan”, “Andrew Chang” at “Jun Diamante”.
Ang nakapagtataka, kapatid na ng lider ng bansa ang nagbuking sa mga smuggler, akalain mo na wa’ epek pa rin sa mga taga-Customs. Hindi pa rin sila kumikilos para madakip, makasuhan at makulong na ang mga smugglers.





Comments