Sign ng promotion at pagyaman
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | June 26, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lanny ng Cebu.
Dear Maestra,
Magandang buhay sa inyo r’yan sa Bulgar.
Napanaginipan ko na nakakita ako ng lighthouse. Ang ganda nito tingnan habang pinagmamasdan ko ito, enjoy na enjoy ako sa nagkikislapang ilaw.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Lanny
Sa iyo, Lanny,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakakita ka ng lighthouse ay gaganda ang magiging kapalaran mo sa darating na mga araw. Mapo-promote ka sa trabaho at tataas ang suweldo mo hanggang sa tuluyan kang yumaman.
Samantala, ang enjoy na enjoy kang pagmasdan ang nagkikislapang ilaw na mula sa lighthouse ay nagpapahiwatig ng kaligayahan. Matutupad na ang mga pangarap mo sa buhay. Susuwertehin ka sa larangan ng pag-ibig. Ito rin ay nangangahulugang may dadaluhan kang pagtitipon, at may makikilala kang bagong kaibigan na maaasahan mo sa lahat ng bagay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments