top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sign ng paglalakbay sa ibang bansa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 23, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 23, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jojo ng Cavite.

Dear Maestra,


Nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan hindi lamang ngayon kundi pati na rin sa mga darating pang araw.


Napanaginipan ko na naglalakad ako sa pinakamagandang park dito sa amin, at kasama ko ‘yung girlfriend ko.


Ang daming parrots sa paligid, may isang naiiba sa lahat. Ang ganda ng pakpak niya at nag-iiba ang kulay kapag kumakampay-kampay.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Jojo

Sa iyo, Jojo,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naglalakad ka sa pinakamagandang park sa inyo, ay kalusugan ng katawan, kaligayahan, tagumpay sa negosyo at mabubuting mga kaibigan na handang dumamay sa iyong kagipitan.


Ang kasama mo ang iyong girlfriend habang naglalakad ka, ay nagpapahiwatig ng biglaang pagpapakasal. Kakasal ka na kahit ‘di ka pa gaanong handa sa buhay may-asawa.


Samantala, ang mga parrots na nakita n’yo, ay nagpapahiwatig ng paglalakbay sa ibang bansa na kung saan doon ka na rin magpapakasal sa iyong girlfriend.


Ang nag-iisang parrot na may magandang pakpak, nag-iiba ang kulay kapag kumakampay-kampay ay sumisimbolo na mayroon kang kaibigang masayahin at madaldal. Masarap siyang kasama dahil palakuwento siya at may pagkatsismosa rin.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page