Sign na yayaman sa pagnenegosyo
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | June 30, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Cristina ng Malabon.
Dear Maestra,
Magandang araw sa inyo. Isa akong negosyante, iba’t ibang negosyo na rin ang nahawakan ko ngunit humina ito noong pandemic.
Napanaginip ko na ang dami kong hawak na susi. Binigay ko ang isa sa bunso kong anak, tinanggap niya ito pero naiwala niya raw, at ‘di na niya malaman kung saan niya nilagay.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Cristina
Sa iyo, Cristina,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ang dami mong hawak na susi ay kayamanan. Yayaman ka na dahil kikita ng husto ang mga negosyo mo.
Ang binigay mo sa anak ang susi ay nangangahulugang mag-aasawa at ikakasal na siya.
Ang tinanggap niya ang susi ay senyales na magkakaanak agad sila ng magiging asawa niya.
Samantala, ang naiwala niya ang susi, hindi niya alam kung saan niya inilagay ay babala ng kabiguan. Hindi lahat ng gusto niya ay mapapasakanya. Mabibigo siya sa iba pa niyang hangarin sa buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments