Sign na yayaman at 'di na mamomroblema sa salapi
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 12, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jenny ng Masbate.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na may nakilala raw akong isang matandang lalaki. Binigyan niya ako ng mamahaling kuwintas kahit kakakilala palang namin.
Agad ko naman itong tinanggap, magmula noon ay nagkamabutihan na kami. Na-inlove siya sa akin, at nahulog din ako sa kanya.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Jenny
Sa iyo, Jenny,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may nakilala kang isang matandang lalaki, na-inlove sa iyo at ikaw din ay nahulog sa kanya, ay financial success. Yayaman ka na at hindi mo na poproblemahin ang pera.
Samantala, ang binigyan ka ng mamahaling kuwintas ng nakilala mong matandang lalaki ay nangangahulugang, biglaang pagpapakasal sa mayamang lalaki na mayroong mataas na katungkulan at iginagalang sa inyong lugar na magdudulot sa puso mo nang kaligayahan at magiging masaya ka sa kanyang piling.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments