top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sign na uunlad ang kabuhayan at masayang love life

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 27, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 27, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gloria ng Pila, Laguna.


Dear Maestra,


Matagal ko nang gustong magpa-analisa ng panaginip sa inyo, kaya lang, sobrang busy ako sa pagtitinda sa aking maliit na carinderia. Mabuti na lang, nakakuha ako ng katulong kaya magaan-gaan na ang gawain ko.


Napanaginipan ko na dumating ang mga kaibigan ko sa aking carinderia at ang dami nilang in-order na pagkain. Nasarapan sila sa mga recipe na aming inihain sa kanila at ‘yung iba ay nag-take out pa. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,


Gloria


Sa iyo, Gloria,


Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo tungkol sa mga kaibigan mo na dumating sa iyong carinderia, um-order ng maraming pagkain at nasiyahan sila sa recipe mo. Ito ay nangangahulugan ng kaligayahan, kasaganaan at kaunlaran sa kasalukuyan mong pamumuhay.


Gayundin, uunlad at yayaman ka na.


Ang sabi mo ay nag-take out pa sila dahil nasarapan sa recipe mo, ito naman ay nangangahulugan na susuwertehin ka sa love life. Liligaya ka at magiging masagana ang pamumuhay sa piling ng iyong minamahal.



Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page