Sign na totoo ang pagmamahal ng iyong kasintahan
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 21, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ronald ng Batangas.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na narinig ko raw tumutugtog ng gitara ang aming kapitbahay.
Pinuntahan ko siya at nakipagkuwentuhan ako sa kapatid niya na matagal ko na kursunada at gustong maging dyowa.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Ronald
Sa iyo, Ronald,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na narinig mong tumutugtog ng gitara ang kapitbahay mo, ay totoo ang pag-ibig sa iyo ng karelasyon mo. Hindi mo siya dapat pagdudahan.
Samantala, ang pinuntahan mo ang kapitbahay mo, nakipagkuwentuhan ka sa kapatid niya na matagal mo nang kursunada at gustong maging dyowa, ay nangangahulugang magiging maligaya ka sa susunod na mga araw. Mapapawi na ang iyong kalungkutan, at matatapos na rin ang problemang gumugulo sa iyong isipan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments