Sign na susuwertehin sa mapapangasawa
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 20, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Heidi ng Los Baños, Laguna.
Dear Maestra,
Magandang araw sa inyo r’yan. Isa akong tagasubaybay ng column niyo.
Napanaginipan ko na may lemon tree raw sa aming likod-bahay. Ang ganda ng mga dahon nito. Berdeng-berde ang kulay at hitik na hitik ang bunga, nakakatuwa itong pagmasdan.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Heidi
Sa iyo, Heidi,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may nakita kang lemon tree sa likod-bahay niyo, ay paglalakbay sa malayong lugar na kung saan makikilala mo habang naglalakbay ang magiging kabiyak ng iyong puso. Mauuwi sa kasalan ang pagkakakilala niyo.
Ang ganda ng mga dahon ng lemon tree, berdeng-berde ang kulay, nakakatuwang pagmasdan, ay senyales na magiging mapalad ka sa iyong mapapangasawa, uunlad ang negosyong bubuksan niyo.
Samantala, ang hitik na hitik ang bunga ay nagpapahiwatig na marami kayong magiging anak ng mapapangasawa mo. Liligaya kayo at pagpapalain. Kung nagkataong lanta na ang mga dahon at tuyot na, ito ay babala ng kabiguan sa pag-ibig. Mabuti na lang ay sariwa at berdeng-berde ang mga dahon ng lemon tree sa panaginip mo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments