Sign na susuwertehin at magtatagumpay sa buhay
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 17, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Marilou ng Capiz.
Dear Maestra,
Magandang buhay sa inyo r'yan sa Bulgar.
Napanaginipan ko na may sakit daw ako, dinalaw ako ng mga friends ko. Nakangiti silang lahat ng makita 'ko kung kaya't napangiti rin ako noong makita ko sila. At nawala bigla ang iniinda kong sakit.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Marilou
Sa iyo, Marilou,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may sakit ka, ay may tuksong darating sa buhay mo. Matutukso kang gumawa ng isang bagay na ayaw mo sanang gawin pero gagawin mo.
Ang dinalaw ka ng mga friends mo, nakangiti sila sa iyo ay nangangahulugang magiging napakasaya ng lovelife mo.
Samantala, ang napangiti ka na rin sa kanila at nawala ang iniinda mong sakit ay nagpapahiwatig ng magandang kapalaran ang naghihintay sa iyo sa darating na mga araw. Susuwertehin at magtatagumpay ka sa iyong buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments