Sign na susuwertehin at 'di na muling maghihirap pa
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 14, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Bhoy ng Bulacan
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nasobrahan ako sa aking kinain kaya sinugod ako sa ospital, 'yun pala ay pumutok na ang appendicitis ko, at agad umano akong inoperahan.
Nakarinig ako ng tumutugtog na organ. Ang sarap nitong pakinggan na para ba akong dinuduyan sa ganda ng himig na naririnig ko. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Bhoy
Sa iyo, Bhoy,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasobrahan ka nang kain, pumutok ang appendicitis mo, dinala ka sa hospital at inoperahan ay kabaligtaran ang ipinahihiwatig. Gagaling na ang iyong iniindang sakit. Magiging malusog na ang iyong pangangatawan at mawawala na ang mga sakit na iyong nararamdaman.
Samantala, ang nakarinig ka nang tumutugtog na organ, ang masarap pakinggan ng magandang himig na naririnig mo at para bang ikaw ay dinuduyan. Ito ay nangangahulugan ng kaligayahan, kasaganaan at magandang kapalaran. Susuwertehin ka na at hindi ka na maghihirap pa.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments