top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sign na sunud-sunod na pagpapala ang darating

Writer: BULGAR
BULGAR
May 27, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 27, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonathan ng Pasig.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nakumbinsi ako ng kaibigan ko sumama sa isang sindikato.


Pumayag ako noong una ngunit sa pangalawang pagkakataon ay tumanggi na ako at tuluyan ng umiwas. Nakaramdam ako ng takot, at nagkasakit ako dahil sa nerbiyos na aking nararamdaman.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jonathan


Sa iyo, Jonathan,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakumbinsi ka ng kaibigan mo sumama sa sindikato at pumayag ka naman ay may paparating na gulo sa buhay mo, masasangkot ka sa isang kaguluhan dahil sa kagagawan ng mga kaibigan mo. Gayunman, dahil sa pangalawang pagkakataon ay tumanggi ka at tuluyang umiwas, ito ay nagpapahiwatig ng kaligayahan at kasaganaan sa iyong buhay.


Samantala, ang nakaramdam ka ng pagkatakot, nagkasakit ka, ay nangangahulugang sunud-sunod na pagpapala ang nakatakdang mapasaiyo sa darating na mga araw.


Mapupuno ng kaligayahan ang iyong tahanan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Esrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page